• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin and Phil Younghusband still very much 'together'

Angel Locsin and Phil Younghusband still very much 'together'

The rumored couple says they are still dating and happy with the status of their relationship.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/7/2011 11:14 PM
Angel Locsin and Phil Younghusband still very much 'together'


100811-angel-main.jpgTaliwas sa isyung hiwalay na si Angel Locsin and Phil Younghusband, sabay na nagpakita muli sa publiko ang dalawa bilang magka-date sa katatapos lang na Esquire Ball.

Sa panayam ng ABS-CBN News, inihayag ng rumored sweethearts na mas tumatatag ang kanilang relasyon.

"Walang date [ang anniversary] eh. Kung ano man ang nangyayari ngayon sa amin, ayaw namin masira by moving forward," ani Angel.

Ayon  naman kay Phil, masaya pa din silang dalawa ni Angel na magkasama at ninanamnam ang bawat sandaling sila ay magkasama.

"We're happy. We've always been happy and we're still happy. We're enjoying it at the moment," giit ni Phil na kararating lang mula sa laban ng kanyang grupong Azkals sa Taiwan para sa Long Teng Cup.

Matatandaang nakasama pa ni Angel si Phil sa panahong yumao ang ina ng atleta halos isang buwan na ang nakakaraan.

Nakatakdang lumaban ulit si Phil at iba pang miembro ng Azkals sa Singapore ngayong Biyernes samantalang busy naman si Angel sa pagtulong sa Red Cross para sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong "Pedring" at "Quiel."

Nanawagan din ang aktres sa publiko na magbigay tulong sa mga kababayang matinding tinamaan ng hagupit ng dumaang mga bagyo.