Venus Raj: I'm happy for Shamcey's achievements

The beauty queen answers questions regarding her alleged competition with Shamcey Supsup.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/5/2011 8:25 AM
Venus Raj: I'm happy for Shamcey's achievements


100511-venus_main.jpgNagsalita na din sa wakas ang Miss Universe 2010 fourth runner-up na si Venus Raj sa isyung may kumpetisyon di umano sa pagitan nila ni Shamcey Supsup.

Sa panayam, itinanggi ni Raj ang nasabing isyu at iginiit na kapatid ang turing niya kay  Shamcey.

"Wala naman, wala naman. Sa amin, parang sisters kami. Sisters talaga kami. Sa amin, walang competition at maayos ang aming relasyon," pahayag ni Venus sa launching ng music video ng French singer na si Julien Drolon para sa awiting "Ipagpatawad Mo."

Matatandaang isa si Venus sa sumuporta at tumulong kay Shamcey sa training nito para sa 2011 Miss Universe.

Giit ni Venus, masaya siyang makitang parte siya ng tagumpay ni Shamcey.

"Nakakatuwa kasi may natutunan siya sa akin, kahit paano ay ang sarap ng feeling na nakikita mo ang isang tao na na-achieve ang dreams niya na kahit paano ay part ka ng dreams na 'yon. So ang saya," ani Venus.

Para patunayang maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa, inihayag ni Venus na excited  siyang makasama si Shamcey sa Christmas Special ng ABS-CBN.

"Well, ako excited ako na makatrabaho si Shamcey. Kasi nasubaybayan ko ang simula niya sa Binibining Pilipinas, hanggang sa Miss Universe, hanggang sa kung nasaan siya ngayon," ani Venus.

Sa naunang panayam, itinanggi din ni Shamcey ang isyu ng kumpetisyon sa pagitan niya at ni Venus.