Shamcey Supsup and Venus Raj, competing with each other?

The Miss Universe 2011 third-runner up reacts to rumors that there's a brewing 'contest' between her and Miss Universe 2010 fourth-runner up Venus Raj.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/4/2011 8:42 AM
Shamcey Supsup and Venus Raj, competing with each other?


100411-shamcey-main.jpgNagsalita na sa wakas si  Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup sa isyung pagkukumpara sa kanya sa sinundang beauty queen na si Venus Raj.

"Alam mo wala, wala talagang competition. Me and Venus are different persons and we have different personalities. She's more of the kalog...people-person type of girl. Ako, I'm more reserved at saka my interests are different. Siya into singing, and dancing ako," ani Shamcey sa panayam ng abs-cbnNEWS.com nitong Lunes.

Dagdag ni Shamcey, si Venus ang isa sa mga taong tumulong sa kanyang preparasyon para sa pagsabak sa nakalipas na Miss Universe pageant na ginanap sa Brazil.

"Si Venus helped me especially during my preparation [for Miss Universe 2011] she has helped me, trained me. Even if I'm older than [she is], parang I feel [like] she's a big sister to me," pahayag ni Shamcey patungkol kay Venus.

Matatandaang si Venus ang nanalo bilang 4th runner-up sa 2010 Miss Universe. Kasalukuyang co-host si Venus sa morning show na "Umagang Kay Ganda o UKG.

Sa panayam, itinanggi din ni Shamcey ang isyung papalitan niya si Venus sa UKG.

"Wala po, hindi po. Wala pong katotohanan 'yon. Venus is a good friend of mine. She's a good host and I wouldn't speak of anything na ganoon. I wouldn't do anything like that," sambit ng beauty queen.

Nagpasaring naman si Shamcey na maaring magkatrabaho din sila ni Venus.

"We are still planning it all out. Kumbaga we are still trying to filter 'yung mga projects [that] I'm going to do. So hindi pa kami sure. Wala pang definite plan," ani Shamcey.

Sa kasalukuyan ay abala si Shamcey sa pagtulong sa mga Pinoy na nasalanta ng bagyo.

Nakatakdang magtungo ang beauty queen sa Bulacan sa darating na Sabado para mamahagi ng relief goods sa mga biktima ng pagbaha.