• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel Rodriguez on Toni Gonzaga: 'Whatever happens, Toni and I will always be friends'

Mariel Rodriguez on Toni Gonzaga: 'Whatever happens, Toni and I will always be friends'

Mariel Rodriguez reveals that she almost didn't make it to Toni Gonzaga's concert.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

10/4/2011 8:37 AM
Mariel Rodriguez on Toni Gonzaga: 'Whatever happens, Toni and I will always be friends'


100411-mariel-main.jpgKalagitnaan na ng concert ni Toni Gonzaga dumating si Mariel Rodriguez na sinalubong pa mismo ni Bianca Gonzalez sa backstage ng Smart Araneta Coliseum noong Biyernes ng gabi, September 30. Paliwanag ni Mariel, muntik siyang hindi umabot sa show dahil naantala siya sa daan habang papunta sa nasabing venue. Kaya pala napatalon sa tuwa si Bianca noong sa wakas ay dumating si Mariel para ipakita ang suporta sa kaibigan nilang si Toni.

Ay, umiiyak ako papunta dito,” kwento ni Mariel sa ilang ABS-CBN reporters matapos ang [email protected] concert. “Kasi hindi ako sa Araneta Coliseum dinala ng driver, [kundi] sa Araneta Avenue. Naloloka ako! Sobra yung traffic. Umiiyak na ako, ‘Ano ba...’ Comedy talaga. Sabi nga ni ate Kris (Aquino), ‘Baka it’s not meant to be talaga that you talk.’”

Marami ang nagabang sa pagdating ni Mariel matapos ang napabalitang alitan sa pagitan nila ni Toni nitong mga nakaraang linggo. Matatandaang inamin ’di umano ni Mariel sa isang panayam sa kanya na hindi na bumalik ang magandang samahan nila ng former Happy Yipee Yehey co-host mula ng magkasamaan sila ng loob noong nakaraang taon.

Pero minabuti ni Mariel na huwag ng idetalye pa kung ano man ang kanilang naging problema. Dagdag pa niya, masayang masaya siya sa magandang turnout ng concert ni Toni sa Big Dome. “Tonight it’s all for Toni. She deserves this. Nothing but the best for her. ‘Congratulations. We’re so happy for you.’”

Inimbitahan ba siya ni Toni na manood ng concert nito? “Alam niya talaga na pupunta ako. Nag-text ako sa kanya. Sabi ko pupunta ko to support her. Nagpunta ako dito dahil sinusuportahan ko ang aking kaibigan. Whatever happens, Toni and I will always be friends.”