• Home
  • Fresh Scoops
  • Beautiful actress at handsome actor na mag-dyowa, nagdedmahan sa isang event?

Beautiful actress at handsome actor na mag-dyowa, nagdedmahan sa isang event?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

10/4/2011 12:04 PM
Beautiful actress at handsome actor na mag-dyowa, nagdedmahan sa isang event?


100411-1-blinditem.jpgIsang nakakalurkey na kwento na naman ang aming nasagap mula sa aming friendship na umattend ng isang event na kung saan ay present ang celebrity couple na ito. Kakilala ng aming friend ang isa sa staff ng event at nagtetextan sila during the performances that night. Inaabangan ng lahat kasi ang interaction ng dalawa on stage dahil marami din naman ang kinikilig sa relasyon ng Beautiful Actress at Handsome Actor. Aba, laking gulat ng iba na dedma lang ang mag-dyowa sa isa’t isa.

Napa-text tuloy ang ating friendship sa kanyang kaibigan back stage at nagsabing war daw kaya ang Beautiful Actress at Handsome Actor at cold-coldan ang dating. Tumambling  si friendship nang mabasa ang sagot ni staff, “Ay nako, buti pa ang PA ni Handsome Actor, kausap ni Beautiful Actress, siya hindi!” Ano ba naman yun, ang assistant pa ang kachikahan ni Beautiful Actress? Ay akala ko pa naman all is well in the world of gorgeousness, eh back to gera na naman pala ang dalawang ito.

Normal naman talaga though ang magkaroon ng misunderstanding ang mag boyfriend-girlfriend. Pero sana naman ‘wag panay-panayin ng dalawang ito at lalong nabubuhay ang dugo ng mga usiserong katulad ko. Hahaha!