• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao to Ruffa Gutierrez: 'Hindi naman kasi talaga dapat kami mag-aaway sa isang lalaki'

Shaina Magdayao to Ruffa Gutierrez: 'Hindi naman kasi talaga dapat kami mag-aaway sa isang lalaki'

The actress says that she and Ruffa Gutierrez need time to heal from the issues.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/30/2011 10:01 PM
Shaina Magdayao to Ruffa Gutierrez: 'Hindi naman kasi talaga dapat kami mag-aaway sa isang lalaki'


103111-shaina-main.jpgDetalyado ang kuwento ni Shaina Magdayao sa The Buzz nitong Oct. 30 sa mga pagkakataong nagkita sila ni Ruffa Gutierrez. Una nga raw ay nagkita sila noong birthday party ni Bea Alonzo noong October 8. Dumating sina Shaina at si John Lloyd Cruz at naka-share pa raw sa table nila si Liz Uy, dating girlfriend ni John Lloyd. Nakapag-usap ang dating magkasintahan at nakapag-usap din sila Shaina at Liz. Pero paniniyak ni Shaina okay sila ni Liz dahil mabait sa kanya ang stylist. Nalulungkot nga raw siya at pati silang dalawa ay ginagawan ng issue.

Dumating din sa event si Ruffa pero sabi ni John Lloyd hindi raw nagkaroon ng pagkakataon na magbatian sila ni Ruffa. Sinabi naman ni Shaina na nakaramdam siya ng tensyon dahil alam niyang pagkatapos ng gabing iyon ay may mga lalabas na namang issue.

Ang pangalawang pagkikita ay naganap noong October 25, birthday concert ng nakatatandang kapatid ni Shaina na si Vina Morales. Invited din sa event si Ruffa na kaibigan ni Vina. Dito nga naganap ang pagti-text umano ni Ruffa kay John Lloyd at nabasa ni Shaina ito kung kaya ay nag-text din siya kay Ruffa. Ang lumabas kasi ay si Shaina ang unang nag-text kay Ruffa.

Depensa ni Shaina kaya siya nag-text sa dating beauty queen, “Yes, it’s true na nag-text siya kay John Lloyd. Right after we left the party and I replied. I just replied.”

Ang mensahe raw niya kay Ruffa ay ang parehong mensahe na sinabi niya kay Ruffa nang tawagan daw niya ito noong January 2011 na naging isyu rin noon. “I told her to leave us alone gaya ng gusto kong sabihin sa kanya the first time I called her,” paglilinaw ni Shaina. “This time I want to be straightforward na para bang respetuhin naman niya kami kasi we all know what happened before. The cellphone incident. (Nang tumawag siya kay Ruffa
noong January 2011).”

Pagpapatuloy ni Shaina, “After that incident, she said that she was going to stay away. She said that she was not going to bother us anymore. But right after we left (during Vina’s birthday party), naka-receive ng text niya so parang it was so clear na hindi siya tumutupad sa sarili niyang salita. At gaya ng mga ibinabato sa amin, hindi lumalabas ang puno’t dulo. Laging lumalabas ang gusto nilang palabasan, hindi alam ng mga tao na may pinanggagalingan din naman ako.

Inisip nga raw ni Shaina na baka hindi nakuha ni Ruffa ang mensahe niya nang una niyang tawagan ito na huwag na siyang mag-text ulit kay John Lloyd. “Para bang akala ko noon makukuha niya ako ng babae sa babae. Kaya lang ‘yun nga po nangyari ‘yung sa party ng ate ko. And I was expecting she would respect us that night. Right after the party apparently she tweeted mga controversial tweets at ‘yun nga po ang lumalabas ngayon marami nga po
ang nagsasabi sa akin na ako nga ‘yung pinaparinggan niya
. But I’m confident that I’m not insecure. Hindi ako insecure sa kanya. So I refuse to believe na ako ‘yung pinaparinggan niya. Klarong-klaro naman siguro especially after this interview kung ano siguro ang gusto kong iparating sa kanya. Ngayon kung di pa rin niya ma-accept ‘yon, I’ll leave her alone.”

Sabi ni Shaina, alam niyang naiipit ang kanyang ate na si Vina. Gayunpaman, hindi raw nagkulang sa suporta ang kanyang ate dahil lagi raw silang nag-uusap. “She’s been very very supportive so alam niya kung ano ang pinanggagalingan ko kaya naiintindihan niya kung bakit ko ginawa ‘yon,” pahayag ni Shaina.

Nang tanungin ni Boy si Shaina kung ano ang mensahe nito kay Ruffa, sagot ni Shaina, “Gusto kong isipin na lahat naman tayo may kabutihan, lahat naman tayo may pinanggagalingan. So siguro kailangan lang namin ng time, kailangan lang namin ng oras to heal and hindi naman t