Mario Maurer opens up about his humble beginnings

Mario Maurer says the main reason he got into showbiz was to help his mom earn money.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/30/2011 8:50 PM
Mario Maurer opens up about his humble beginnings


103111-mario-main.jpgSa The Buzz noong October 30, nakapanayam ni Charlene Gonzales ang Thai heartthrob na si Mario Maurer at sinabi nito na personal pala niyang sinasagot ang kanyang mga Filipino fans via Twitter. “But sometimes they tweet me in Tagalog so I don’t understand,” biro pa ng binata.

Share pa ng binata, bukod sa kanya, nasa music industry naman ang kanyang kapatid na isang rapper. Pareho daw silang nakaka-appreciate ng music pero ‘di raw siya kumakanta. “We both have the same feelings, we like songs, rap songs, hip-hop songs, we’re happy to listen to it but he has a talent to write songs and sing,” kuwento ni Mario.

Simple lang pala ang pinagmulan ni Mario at nagsikap siya para makatulong sa pamilya na napakahalaga para sa kanya. “I grew up with my family, my mom has a gas station and only thing I would do when I was a boy was filling gas.” Proud nga siyang aminin kay Charlene na dati siyang gas boy. “I’m only running around the gas station doing everything for the cars, clean the car, fill the gas, fill air into the tires.”

Ang pinakamahirap daw na pagsubok na kanyang dinaanan ay nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa diabetes tatlong taon na ang nakakaraan. Mahirap daw ito para kay Mario na nagsisimula na noong makagawa ng career. “I got shocked because my career was going up and I just finished my second movie and then he luckily he got to watch Love of Siam.”

Unang pelikula ni Mario ang Love of Siam na tumatalakay sa same-sex relationship. Aniya, nahirapan daw siya noon kung tatanggapin ba niya ang role o hindi. Gayunpaman, hinikayat daw siya ng isang kaibigan na pagkakataon iyon para makatulong sa inang kumakayod. Hindi naman siya nagkamali dahil bukod sa naging hit ang pelikula ay nakapag-uwi rin siya ng award. Wala rin daw siyang karanasan sa pag-arte at ang tanging gusto ay kumita para makatulong sa pamilya.

Sa dulo ng interview, ilang slum book type na tanong ang itinanong ni Charlene kay Mario.

Favorite movie: Forrest Gump
Favorite sleepwear: T-shirt and boxers
First thing you do when you wake up: I brush my teeth.
Last thing you do before sleep: I take out my contact lens.
Sexiest part of your body: It should be the chest because I work out.
Three things you like in a girl: Fun, sweet, and clever
Define love: Love is like the air, you cannot see it but you cannot live without it. You think it’s not important, but you need it all the time.