• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: Ako 'yung may maraming dapat i-resolve.'

John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: Ako 'yung may maraming dapat i-resolve.'

The dramatic actor admits that he and girlfriend Shaina Magdayao have agreed to resolve their individual issues.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/30/2011 11:11 PM
John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: Ako 'yung may maraming dapat i-resolve.'


103111-jlc-main.jpgNaging seryoso ang exclusive interview ni Boy Abunda kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa The Buzz kahapon. Inisa-isa ang mga isyung kinasasangkutan ng controversial couple. Inusisa ng King of Talk kung gaano ba kaapektado ang relasyon ng dalawa nang muling masangkot kamakailan si Ruffa Gutierrez na dating nakarelasyon ni John Lloyd. Nagpaliwanag si Shaina na sinagot niya sa text si Ruffa gamit ang cellphone ni  John Lloyd matapos mag-text ang dating beauty queen kay John Lloyd. Samantala, nagsalita si Ruffa sa media at sinabi niyang nakatanggap umano siya ng “unpleasant” at “psychotic” text messages from Shaina during ungodly hours.

Inamin ni John Lloyd na humingi siya ng paumanhin kay Ruffa matapos ibalita ng huli ang pagkakatanggap ng mga di kanais-nais na text messages. “Yeah totoo ‘yon. Tinawagan ko siya sabi ko kasi hindi malinaw sa akin, eh. ‘Di malinaw sa akin ‘yung mga nangyari,” ani John Lloyd. “Pagkabasa ko ng phone ko may mga text messages na hindi maganda ang laman. They were not intended for me. So alam ko may problema. So alam ko ang inisip ko, ayoko nang palakihin pa. Ayoko siyang (Ruffa) idamay. Sabi pa nga niya sa akin, okay I won’t say anything about it para huwag nang lumaki. I was trying to do the right thing here.”

Kinumpirma rin ng aktor na may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nila ni Shaina at napagkasunduan umano nila na ayusin muna ang kanilang personal issues.  “Andun kami sa estado na I think after our conversation the other night, ina-acknowledge na namin na meron kaming pinagdadaanan, meron kaming hinaharap na medyo mahirap and pareho kami na nag-agree na alam namin pareho kung ano ‘yung dapat at kailangan naming gawin,” matalinghagang paliwanag ni Lloydy.

Dagdag naman dito ni Shaina, “Siguro na-realize namin na gusto naming maayos pa or siguro gusto na naming tapusin na kailangan naming i-work out ‘yung personal issues namin as well. Andun kami ngayon sa puntong iyon.”   

Inunahan na rin ni Lloydy ang maaaring isipin ng mga tao sa sinabi nila ng kanyang girlfriend. “They can speculate kung ano ‘yung gusto nilang sabihin, kung ano ‘yung storya nila, ‘Ay, kaya sila nagkakaproblema, kaya sila hiwalay ngayon dahil kay ganito, kay ganyan.’”   

Sinundot naman ito ni Boy ng tanong kung nagkakaproblema ba sila ngayon dahil kay Ruffa, at parehong natawa ang dalawa.

Sagot ni John Lloyd, “Wala sa kalingkingan ng sino’ng babae ang totoong dahilan ng pinagdadaanan namin ngayon. Hindi ‘yung persepsyon ng tao ang dahilan. Ako po ang magsasabi mali po kayo kung sino o ano ‘yung totoong dahilan. Sarili namin, masyadong malalim, masyadong personal. Huwag po kayong malito. Kung ano po ang sinabing kuwento ni Shaina, iba po ‘yon.

Kami po ay may pinagdadaanan. Malaki po ang aming pinagdadaanan kesa sa kanila. Isang bagay po kung bakit nakipilit akong makisali (sa interview sa The Buzz), actually dapat siya (Shaina) lang ang naka-schedule. Ako’y nag-offer lang. Kasi nababastusan na ako, nao-offend na ako dun sa mga nakikisali, sa mga nakikisawsaw sa pinagdadaanan namin. ‘Yun pong pinagdadaanan namin bilang magkarelasyon bilang tao parang ‘di ko kayang hayaan na tapak-tapakan, bastusin,” himutok ng Box-Office King. “Gawin natin ito kasi gusto kong protektahan whatever is left of this relationship, gusto ko lang protektahan at bigyan ng dignidad whatever’s left of it. We may be having problems now pero hindi ibig sabihin eh tatahimik na lang kami at hahayaan kong bastusin n’yo kung ano ang natitira sa relasyon namin. Maaaring hindi naiintindihan ng iba. Bago sa pandinig o