• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto and Raymart Santiago: 'We have not separated, we love each other'

Claudine Barretto and Raymart Santiago: 'We have not separated, we love each other'

The couple sends a request to people to respect their family's privacy.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/30/2011 8:56 PM
Claudine Barretto and Raymart Santiago: 'We have not separated, we love each other'


103111-claudine-main.jpgKamakailan ay isang joint statement ang inilabas ni Claudine Barretto at asawang si Raymart Santiago para pasinungalingan ang walang tigil na mga bali-balitang hiwalay na raw sila.  Sa statement ng mag-asawa, “We are still together, we have not separated, we love each other and we both value and cherish are marriage and relationship.” Dagdag pa rito, nakiusap pa ang mag-asawa na irespeto ng publiko ang privacy ng kanilang pamilya at para na rin sa kanilang mga anak.

Matatandaang lumikha ng ingay ang isyung nawala umano ang pera ni Claudine sa kanilang joint bank account ni Raymart. Tumungo kasi si Claudine sa bangko sa may Quezon Avenue noong October 25 kasama ang kanyang abogado na si Atty. Agnes Maranan. Nakumpirma pa nga raw nina Claudine kung magkano ang perang laman ng nasabing account niya mga 30 minutes bago mawala ang pera. Diumano’y nasa P5 milyon pa ang laman ng kanyang account.

Subalit pagkatapos umano ng higit sa 30 minutes ay sinabi ng staff ng
bangko na wala na ang pera. Sinasabing posibleng si Raymart umano ang nakapag-withdraw ng pera via interbranch withdrawal.

Bago pa raw kasi ang insidenteng iyon sa bangko, earlier that day daw ay dumating si Claudine sa kanilang bahay at nabahala raw siya nang makitang ang mga kotse ni Raymart sa garahe ay wala. May pinagdadaanan na raw kasi ang mag-asawa noon kaya tinawagan ni Claudine ang kanyang abogado at nagtungo sa bangko.

Sa column ni Ricky Lo sa The Philippine Star ay kinumpirma niya na hiwalay na umano ang mag-asawa may dalawang buwan na.Nagsulputan ang iba’t ibang dahilan ng paghihiwalay. May isyung madalas daw mag-casino ang aktres at meron ding third party na nasangkot pa ang pangalan nina Sen. Jinggoy Estrada at Jennylyn Mercado.

Kamakailan naman ay nagbigay ng komento ang nakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen. Sinabi niya na ayaw raw niyang makisawsaw sa isyu ng mag-asawa pero ipagdarasal daw niya na sana ay maging maayos sila. “Let’s just pray,” sabi ni Gretchen sa interview ng The Buzz.