• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrea del Rosario denies Vin Diesel is the father of her child

Andrea del Rosario denies Vin Diesel is the father of her child

The former sexy star says the father of her child is not a showbiz personality.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/3/2011 6:07 PM
Andrea del Rosario denies Vin Diesel is the father of her child


100311-andrea-main.jpgItinanggi ng aktres na si Andrea del Rosario ang isyung nagtuturo sa Hollywood actor na si Vin Diesel bilang ama ng kanyang anak na si Beatrice.

Sa panayam sa The Buzz, sinabi ni Andrea na hindi ang "Fast and the Furious" star ang ama ng kanyang anak.

"Wow naku, hindi po. Matagal na po kaming di nagkikita," ani Andrea nitong Linggo.

"I received a surprise Christmas greeting from him, pero after that, that's it," dagdag ng dating Viva Hotbabes member.

Nang tanungin naman kung sino ang totoong ama ng bata, sinabi ni Andrea na hindi niya kailangang pangalanan pa dahil sa pribado ang buhay nito.  

"I just don't want to mention his name for his privacy. Because I really respect him so much. He's a wonderful person. I don't have anything bad to say about him. He's taking good care of his daughter," ani Andrea.

Matatandaang naugnay si Andrea sa sikat na Hollywood actor, nang umamin si Diesel na kilala niya si Andrea.

Sa dating panayam, itinanggi na ni Andrea na may namuong relasyon sa pagitan niya at ni Diesel.

Aniya, naging magkaibigan lang sila ng aktor.

Samantala, ibinihagi naman ni Andrea ang maramdamin niyang karanasan bilang first time mother.
 
Aniya, bago pa man isilang ang kanyang anak, nalaman na niyang may sakit itong jejunal atrecia  o problema sa bituka.

Ipinanganak ni Andrea si Beatrice noong Mayo ng nakaraang taon.

"Akala ko isang problema lang na sige paglabas niya surgery, tapos we can go on with our lives. I was in denial at that time, I didn't want to read anything about it. Na-diagnose siya ng jejunal atresia. Nagbuhol-buhol ang intestine niya, so they have to cut part of it at tin-ry nilang i-save 'yung ibang part. Napakahirap...hindi mo alam lahat ng santo natawag ko na every night in our hospital room. Na 'Lord, kahit 10 beses ko itong pagdaanan okay lang basta maiuwi ko lang siya,'" ani Andrea.

Aniya, matapos ang matinding dasal at operasyon ay naging mas maayos na ang kalagayan ng kanyang anak.
 
"She ended having short bowel because of that. Kailangan siyang lagyan ng feeding pump. But that's okay," ani Andrea.