• Home
  • Fresh Scoops
  • Vandolph assures that father Dolphy is doing okay but asks for prayers for his speedy recovery

Vandolph assures that father Dolphy is doing okay but asks for prayers for his speedy recovery

The son of the King of Comedy relates that his father is doing okay despite claims saying that he is in the ICU

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/29/2011 8:00 PM
Vandolph assures that father Dolphy is doing okay but asks for prayers for his speedy recovery


103011-vandolf_main.jpgKamakailan ay tiniyak ni VandolphQuizon  na nasa mabuting kalagayan ang kanyang amang si Dolphy nang mapabalita na nitong mga nakalipas na araw ay nasa intensive care unit or ICU ng ospital ang King of Comedy. “My dad is really good kaya lang medyo nagkaroon siya ng problema sa lungs niya pero he’s really good now, he’s doing good now,” paninigurado ng actor during the premiere night of Praybeyt Benjamin noong October 25, kung saan parte rin siya ng movie. Iginiit din niya na wala na sa ICU ang kanyang ama gaya ng mga napapabalita. “Hopefully next week lalabas na siya. He’s doing good.”

Gayunpaman, nanawagan pa rin siya na sana ipagdasal ang mabilis na paggaling ng kanyang ama. “Prayers lang po syempre my dad is old pero he’s still working, tuloy pa rin ang kasiyahan namin,” ani Vandolph na tuwang-tuwa dahil sa success ng Praybeyt Benjamin.

Noong Oktubre 26 naman, sa isang interview ay tumanggi si ZsaZsa Padilla na magsalita hinggil sa kalagayan ngayon ng asawang komedyante.