Taboo of the Black Eyed Peas: 'Im Pinoy at heart'

The BEP member wants to go back to the Philippines and do charity work for Pinoy's like Apl.de.ap.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/28/2011 10:59 PM
Taboo of the Black Eyed Peas: 'Im Pinoy at heart'


102911-taboo-main.jpgInihayag ni Taboo ng grupong Black Eyed Peas na siya ay "Filipino at heart."

Sa panayam sa ABS-CBN News habang binibisita niya ang ilan sa Gawad Kalinga villages sa Taguig City nitong Huwebes, sinabi ni Taboo na may dugong Mehikano na talagang mahal niya ang bansang Pilipinas.

“Even though I’m not Filipino, I’m Filipino in the heart. I love the Philippines,” ani Taboo.

Aniya, tulad ng ka-grupong sa Allan Pineda o Apl.de.ap, ang mayamang kultura ng bansa ang talagang nagustuhan niya.

“I see rich culture you know a lot of heart, emotion, a lot of union. Everybody’s unified and we as Americans, I’m speaking about the people that I’m with, have a lot to learn.”

Maliban kay Apl.de.ap, ang isa pa sa Pinoy na malapit sa kanyang puso ay ang kanyang asawang Filipina.

“Being married to a Filipino woman, having my kids be mestizos, it (Philippines) hits home. It has a special place in my heart,” ani Taboo.

Ayon kay Taboo, taga Cavite ang kanyang napangasawa.

Nakaalis na si Taboo at ang kanyang bandmates sa Pilipinas noong Huwebes ng gabi matapos ang matagumpay na concert ng Black Eyed Peas noong Martes.

Ani Taboo, kung bibigyan pa ng pagkakataon babalik muli siya sa bansa. Plano din niya ang tumulong pa sa mga Pilipinong nangangailangan.

“It’s an eye-opening experience, and I want to be able to go back to the Philippines, even if it’s not with my group, just to be more connected,” he said.