Ruffa Gutierrez: John Lloyd-Shaina issue is 'cheap'

The actress says the controversy has also affected her relationship with her non-showbiz boyfriend.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/28/2011 3:47 PM
Ruffa Gutierrez: John Lloyd-Shaina issue is 'cheap'


102811-ruffa-main.jpgSinabi ngayon ni Ruffa Gutierrez na wala na siyang "crush" o paghanga sa aktor na si John Lloyd Cruz.

“Kung mayroon man akong crush at kung mayroon akong lalaki sa buhay ko, definitely it’s not John Lloyd Cruz. I mean, please,” ani Ruffa isang araw matapos aminin ni Shaina Magdayao, nobya ni John Lloyd na tinext niya si Ruffa para sabihing tantanan na silang magkasintahan.

Sinabi din ni Shaina na tinext niya lang si Ruffa bilang sagot sa text ng huli.

Giit niya, isang mababaw na isyu ang pagkakadawit niya sa pagkakatampuhan di umano ni Shaina at John Lloyd.

Aniya, selos sa parte ni Shaina ang dahilan ng isyu.

“For me, this is a non-issue. Ang cheap, cheap, ka-cheapan talaga. May natutunan din ako na not to be impulsive also. Ngayon, naintindihan ko kung bakit niya [Shaina] ako tine-text dahil siguro dala-dala na din ng pagse-selos niya. Hindi ako ang unang nag-text. Please prove it. I challenge anyone to prove it,” giit ni Ruffa.

Dagdag ni Ruffa, naapektuhan na din ang kanyang non-showbiz boyfriend ngayon nasi Eduardo Puertas dahil sa naging isyu.

Samantala, dahil sa nangyaring kontrobersiya, lumipad si Shaina patungong Estados Unidos.