• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto and Raymart Santiago, already separated for two months?

Claudine Barretto and Raymart Santiago, already separated for two months?

The couple has allegedly ended their marriage for real this time around.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/28/2011 9:33 AM
Claudine Barretto and Raymart Santiago, already separated for two months?


102811-1-cluadine-main.jpgMatapos ang balitang pag-breakdown ni Claudine Barretto matapos hindi ma-withdraw ang pera sa bangko mula sa joint account nila ng kanyang asawang si Raymart Santiago, lumabas ang balita ngayon na hiwalay na talaga mag-asawa.

Ayon sa entertainment writer na si Ricky Lo, nakatanggap siya ng balitang naghiwalay na ang mag-asawa halos dalawang buwan na.

"the couple (Barretto and Santiago), married en grande at the Tagaytay Highlands only five years ago, has been separated for two months now," ani Lo sa kanyang column na "Funfare" sa "The Philippine Star nitong Huwebes.
 
Matatandaang ilang beses ng na-intrigang hiwalay na talaga ang dalawa. Noong nakaraang taon matatandaang lumabas ang balitang hindi na nagsasama ang dalawa matapos lumabas ang isyu ng extramarital affair sa panig ni Claudine. Itinuturong third wheel umano ay ang kaibigan din ng mag-asawa na si Martin Castro.

Matatandaang nitong Oktubre 25 ay halos maglupasay nga raw ang aktres matapos niyang hindi ma-withdraw ang ilang milyong halaga ng savings sa bangko. Sa report sinasabing "woman's intuition" ang nagtulak sa aktres na kunin na ang pera pero pagkatapos ng halos 30 minuto sa bangko nalaman niyang wala na ang pera sa savings account at may nakapag-withdraw na nito.