• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez denies Shaina Magdayao's claim of texting John Lloyd Cruz first

Ruffa Gutierrez denies Shaina Magdayao's claim of texting John Lloyd Cruz first

The actress-host says she never started any conversations with John Lloyd and Shaina shouldn't lie about it.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/27/2011 3:21 PM
Ruffa Gutierrez denies Shaina Magdayao's claim of texting John Lloyd Cruz first


102711-ruffa_main.jpgSa unang pagkakataon nagbigay na ng pahayag ang actress-host na si Ruffa Gutierrez sa isyu di umano ng away ng magkasintahang sila Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, dati niyang nobyo.

Ayon kay Ruffa, hindi totoo ang sinabi ni Shaina sa panayam nito sa Bandila, na siya ang unang nakipag-text kay John Lloyd, kaya napilitan lang itong mag-text back at sabihan siya na tigilan na sila ng aktor.

Sa kanyang official Twitter account iginiit ni Gutierrez na matagal ng tapos ang yugto ng kanyang buhay na may kinalaman kay John Lloyd. Hiling din niya na maging maayos ang magkasintahan.

"To clear the issue: I never started any texting conversation. I challenge anyone to prove otherwise. That chapter in my life has long been over. I'm very happy with my life and my girls now. I sincerely wish both of them well."
 
Bago ang pahayag ni Gutierrez,  una na siyang nagpahayag ng mga kontrobersyal na tweets.

"Please don't test my patience. And don't lie."

"I warned you not to test my patience and I warned you not to lie. You just did."

Matatandaang sa Twitter din unang bumuhos ang pahayag ni Ruffa para di umano kay Shaina ng sabihin niyang "there is no cure for the insecure.”

Sa Bandila, itinanggi naman ni Shaina na si Ruffa ang dahilan ng problema sa kanilang relasyon ni John Lloyd.
 
Pero inamin ni Shaina na talagang nagpdala siya ng text kay Ruffa para iwasan na sila ng kanyang nobyo.

“I told her to leave us alone, gaya ng gusto kong sabihin sa kanya. Ako kasi ‘yung tipo ng taong sasarilinin ko muna, hindi ko muna sasabihin hanggang kaya ko pa, but lately, hindi ko na kinaya.”

Giit ni Shaina si Ruffa ang unang nagpadala ng text kay John Lloyd kaya napilitan siyang sagutin ito.

"Nag-text siya kay John Lloyd right after we left the party, and I replied.”

Ayaw mang amining ang tunay na dahilan ng di pagkakaunawaan, inamin ni John Lloyd sa naunang panayam na hindi magiging madali ang pag-resolba nila ni Shaina ng kanilang problema.

Iginiit niya ding wala ding kinalaman ang sinuman sa naging girlfriend niya sa kanilang misunderstanding.

Sinasabing muling nagkita-kita si John Lloyd, Shaina at Ruffa sa birthday party ni Bea Alonzo at ang huli ay sa birthday concert ni Vina Morales.