Nicholas Sparks in Manila for 'Best of Me' signing

The world-renowned author says he is having a great time in Manila.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/27/2011 9:30 AM
Nicholas Sparks in Manila for 'Best of Me' signing


102711-nicholas_main.jpgDumating na sa bansa itong Miyerkules ng gabi ang isa sa matuturing na pinakasikat na novelist sa buong mundo.

Si Nicholas Charles Sparks ang author ng librong tulad ng "Message In A Battle" at "Dear John" ay nasa bansa ngayon para sa book signing ng kanyang pinakabagong libro ang "The Best of Me."

Sinasabing magtatagal ang manunulat sa bansa sa loob ng 2 araw.

Sa kanyang official Twitter account, inihayag ni Nicholas ang excitement na makarating sa bansa.

Pinapurihan din niya ang ganda ng bansa at mga Pilipino.
 
"Having a fantastic time in Manila! What a wonderful place! And the people are great!," ani Nicholas.

Sa kanyang halos 20 libro, kilala si Nicholas sa mga librong naisulat at ginawang pelikula naman sa Hollywood.

Kabilang sa mga likha ni Nicholas na ginawang pelikula ay mga nobela niyang "A Walk To Remember","The Last Song" at "The Notebook."
 
Matapos ang kanyang pagbisita sa Pilipinas, nakatakda namang magtungo si Nicolas sa New Zealand at Australia sa pagpapatuloy ng kanyang overseas book-signing.