David Foster ends writing songs for Charice

The multi-awarded composer says he will always be a mentor to Charice.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/26/2011 8:55 AM
David Foster ends writing songs for Charice


102611-david_main.jpgInamin ng international composer-producer na si David Foster na hindi na siya maaring gumawa ng kanta para kay Pinay singing sensation Charice.

Sa panayam ng abs-cbnNEWS.com, sinabi ni Foster na hindi na siya maaring mag-produce pa ng mga awitin ni Charice dahil magkakahiwalay na sila ng record label.

Mula sa Warner Music ay lilipat si David sa Universal Records.

"No, you know that kinda got misunderstood. I guess probably because of the translation. What happened though, I have been with Warner Music for 26 years. I'll move. September 30 is my last day at Warner and December 1st will be my first day at Universal Records," ani David.

"Come December 1st, I will not be able to produce for Charice anymore because I can't take her with me. Because Warner won't let me. So she's staying with Warner and I'm going to Universal (Records)," dagdag pa ng composer.

Samantala, iginiit naman ni David na magkakasama pa din sila ni Charice sa mga concert tours.
 
"But as for touring, I hope for many, many years we will always tour together to the extent that she has the time and when she's not working on her tour. She tours on her own," giit niya.

Para naman kay Charice, nangako naman siyang laging nandiyan para kay David na siyang tumayo bilang kanyang mentor.

"I always tell David that I'm always here for him. He's always been there for me and no matter what, he wants the best for me. And whatever he wants to do with me, I'm in. We're a team," she said.

Dagdag niya kahit pa magkaiba na sila ng record label ay hindi pa din sila magpapahiwalay na dalawa.
 
"'Pag may show siya, 'pag kinausap naman niya ako, nandoon ako. 'Pag kailangan ko siya, nandiyan naman siya. Nandiyan pa rin naman kami para sa isa't isa kasi he's my godfather," ani Charice.

Sa naunang pinayam,  pinasinungalingan din ng ina ni Charice na si Racquel Pempengco ang balitang hindi na nga magkakatrabaho si Charice at si David.

Aniya, magiging busy lang din ang kanyang anak sa bagong album at solo tour.

Nitong Linggo dumating sa bansa si David samantalang sumunod naman si Charice nitong Lunes. Ang 2 ay nakatakdang magkaroon ng concert sa Araneta Coliseum itong Martes ng gabi.