• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga required to do a kissing scene with Piolo Pascual?

Toni Gonzaga required to do a kissing scene with Piolo Pascual?

The multi-media star says that she is not against having a kissing scene with Piolo Pascual.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/23/2011 11:13 PM
Toni Gonzaga required to do a kissing scene with Piolo Pascual?


102411-toni-main.jpgSinabi ni Toni Gonzaga na nagbibiro lamang siya nang masambit niya ang mga salitang hindi siya papayag na wala silang kissing scene ni Piolo Pascual sa kanilang nakatakdang pagsasamahang pelikula. Una raw kokontra sa kissing scene ang kanyang ina na si Pinty at dati nga ay nakalagay pa daw sa kontrata niya na ‘di siya pwedeng magkaroon ng kissing scene.

Dati talaga nakalagay sa kontrata ko dahil bata pa ko non na walang kissing scene so siyempre eventually as you grow older, and as you mature as an actress there are certain stories na kailangan talaga ‘yung i-seal ang pagmamahal ng characters through that kiss naman. So eventually pumayag sa smack hanggang ngayon smack pa rin. Hindi pwede ‘yung tumatagal ng 10 seconds,” anang dalaga sa kanyang interview sa Entertainment Live noong Sabado. Dagdag pa niya sa possible kissing scene nila ni Piolo, “Depende sa story hindi na ako magsasalita ng tapos na walang kissing scene, maybe love scene,” biro ng dalaga. “Hindi ko pa alam depende ‘yan sa storya.”  

Nang itanong ni Ogie Diaz na ano ang kanyang gagawin kung sorpresahin siya at biglang halikan ni Piolo, sagot niya, “Ginawa na ‘yan sa (pelikulang) You Are The One. Sinorpresa ako nila Direk Cathy (Garcia-Molina). Maghahanda nga ako sa surprise,” natatawang sagot ng aktres.  

Natawa naman si Toni nang tanungin siya ni Luis Manzano na umiyak ba siya nang hindi sila magkatuluyan ni Sam Milby noon. “There was a time ‘pag bata ka pa, hindi pa matured, ang isip mo hindi pa matured (at) ang puso mo, so akala mo ‘yung mga taong nasa paligid mo akala mo siya na ‘yung para sa ‘yo, but then nag-isip ka ng mabuti and you ask for wisdom, hindi naman pala. That was a long time ago.”  

Samantala, mapapanood si Toni, Bianca with new co-hosts Robi Domingo and Martin Concio sa pagong edition ng PBB ang Pinoy Big Brother Unlimited na magsisimula na ngayong October 29 bago mag Reputasyon.