• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez on new PBB season: 'It's a big challenge'

Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez on new PBB season: 'It's a big challenge'

The two remaining Kuya's Angels says they remain friends with Mariel Rodriguez behind the camera.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

10/23/2011 11:28 PM
Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez on new PBB season: 'It's a big challenge'


102411-bianca-toni-main.jpgSa pagbubukas muli ng bahay ni Kuya sa kanyang Pinoy Big Brother Unlimited edition, marami ang nagtatanong kung paano mag-cope and dalawang natitirang Kuya’s Angels na sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez dahil sa pag-alis ng kanilang kaibigan na si Mariel Rodriguez sa show at ABS-CBN.

“We were talking about it kanina, dati tatlo tayong nagpro-promote sa The Buzz,” bungad ni Toni sa interview nila with Charlene Gonzales. “Of course definitely it’s going to be a big challenge. Pati sa staff namin, may iba kaming staff na nangibang bahay na, mga ‘di na namin kasama, malaki yung pagbabago … kasi we are talking about bahay ni Kuya and nag-ibang bahay din sila (laughs). Yung sa atin, malaki talaga yung adjustment but picking up from what Direk Lauren (Dyogi) said, we should all move on and look forward to what PBB has to offer. We cannot keep on looking back at the past and dwelling on sa mga di na natin kasama ngayon because we are really offering you the biggest and the grandest season of PBB. Yun siguro pinaghahandaan namin talaga ngayon.”

Dagdag pa ni Bianca, dahil sa nasa ibang istasyon na si Mariel, ‘di naman nangangahulugan na tinapos din nila ang kanilang pagkakaibigan. “Just because ‘di kami nakikita ng mga tao na magkakasama sa TV, doesn’t mean na sa tunay na buhay, sa likod ng camera ‘di kami magkakaibigan. We are all friends.”

Sinabi din ni Toni na sana matapos na rin ang mga intriga sa kanila dahil iba naman daw ang pagkakakilanlan nilang magkakaibigan sa personal. “No, I guess what I said yesterday after everything, yung mga intriga, mga controversies, mga non-stop questions and issues na may conflict, may mga away sa amin. Sana tigilan na lang natin yun because una, di naman nakakatulong sa amin yun and pangalawa di rin naman nila alam ang tunay na nangyayari behind the camera. Ang nakikita lamang nila eh kung ano yung nakikita sa telebisyon, di naman alam talaga yung nangyayari sa personal na buhay so I think what is important is wala naman nang isyu talaga, it’s all over, it’s all in the past. And whatever it is that we have right now, it will remain the same.”

Nang tanungin naman ni Charlene si Bianca tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, walang prenong inamin nito na boyfriend na niya ang basketball player na si JC Intal. “Yes. ‘Di kasi ako yung artista na parang laging nasa presscon, or laging nag-guest sa talk show. Ako po kasi yung nag-iinterview. So finally tinanong ako, sa wala naman akong dinedeny, nasa Twitter nga lagi. First time ko matanong sa totoo lang, so oo there’s nothing naman to deny. Tsaka si Toni, nakasama na niya [sa lakad si JC].” Nagustuhan daw niya si JC dahil ito ay very sincere and maalaga.

As for Toni, sinabi niya na di naman sila na-pressure ng kanyang boyfriend na si Paul Soriano sa mga kakilalang gusto ay lumagay na sila sa tahimik. “Hindi I think that’s a good sign. ‘Pag sinasabi ng mga tao na ‘sana you end up together. Siya na yung mapakasalan mo,’ may positive aura o vibe dun sa relationship, so we take it as a compliment. Pero ‘di naman siya nakakapressure kasi ‘di naman every day sinasabi. Although kapag may mga presscon ‘yan talaga yung walang sawang tinatanong sa ‘min, pero ‘di pa ngayon yung oras. ‘Di pa ngayon yung right time siguro, wala naman sa babae yun nasa lalaki ‘yun kung kelan sya magtatanong. Ang job ko lang ay magmaganda lang (laughs). Paganda lang ako ng paganda, kapag dumating na yung time ‘yun na ‘yun.”

Sa pagtatapos ng interview, umaasa si Toni at Bianc