• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda on who's the best host among Toni, Bianca or KC: 'Ayoko sagutin, ayoko makasakit'

Boy Abunda on who's the best host among Toni, Bianca or KC: 'Ayoko sagutin, ayoko makasakit'

Vice Ganda turns the tables on Boy Abunda and does 'The Buzz's' Fast Talk segment for the host's birthday.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

10/23/2011 11:52 PM
Boy Abunda on who's the best host among Toni, Bianca or KC: 'Ayoko sagutin, ayoko makasakit'


102411-viceboy-main.jpgKinabahan ng todo ang comedian na si Vice Ganda nang i-atas sa kanya ng The Buzz nitong Linggo na gawin ang ‘Fast Talk’ segment ng show na ang kanyang i-interviewhin ay ang host na gumagawa nito na si Boy Abunda. Kaarawan kasi ni Boy kaya naman turn niya na mailagay sa hot seat. “Nakakatakot pala,” sambit ni Boy after ilang tanong pa lamang ni Vice. “Lakas ng loob ko magtanong kaya dapat may humility din ako to be asked. Kaya wala akong kayang atrasan na tanong. Pag di ko naman masagot sasabihin ko. It’s really humbling,” reaksyon pa ng multi-awarded host.  

Ang sumusunod ay ilan sa mga questions and answers na sinagot naman ni Boy ng buong puso at sinseridad.

Vice Ganda: Kung ikaw ay isang pagkain ano ka?
Boy Abunda: Paksiw na isda.

VG: Kung ikaw ay isang bulaklak ano ka?
BA: Daisy.

VG: Kung ikaw ay isang hayop ano ka?
BA: Aso.

VG: Kung ikaw ay isang kulay, ano ka?
BA: Itim.

VG: Kung ikaw ay isang kasalanan ano ka?
BA: Pakikiapid.
VG: Naloka ako. Nagulat ako kasi pareho tayo ng kasalanan!

VG: Kung gigising ka isang araw na ganap na isang babae, magmumumog ka ba?
BA: Siguro.
VG: Kung gigising ka isang araw na ganap na isang babae, ano ang una mong isisigaw?
BA: John Lloyd asaan ka?
VG: May sasagot na ‘Tito Boy, andito sa piling ni Vice Ganda!’
BA: Pahiram ng isang umaga Vice!

VG: Dahil ganap ka ng babae, nakapila ang mga manliligaw mo sa labas ng bahay, sino ang una mong sasagutin ng oo, Piolo Pascual, Sam Milby, Jake Cuenca, Coco Martin o Gerald Anderson?
BA: Wow hirap. First person, Gerald Anderson.

VG: Kung may isang bahagi ng katawan mo ang gusto mong ipamigay, ano ito?
BA: Mata.
VG: Bakit po mata?
BA: Gusto ko pang mabigyan ng pananaw at paningin yun nangangailangan tulad ng aking mga mata.

VG: Sa ilang taong pagsasama ninyo ni Mr. Bong Quintana, ano ang pinaka-malaking bagay ang pinagawayan ninyo?
BA: Relo. Matagal nay un eh, more than 10 years ago. Pero yun ang pinaka-grabe.
Away talaga pero kailan man di kami naghiwalay ni Bong. Napag-usapan naman but that was really bad. The thing is with Bong, kapag ‘di masyadong seryoso ang away maingay, ‘pag seryoso tahimik. Tahimik ‘yun. And that was scary. More than 10 years ago ‘yun, medyo nagkaroon kami ng diperensya.
VG: ‘Di na ba bumabalik ang isyu na ‘yan?
BA: Meron, konti-konti pero napaguusapan. That comes with age.

VG: Ten being the highest gaano po ka active ang sex life ninyo?
BA: 6.9. Hindi gawin mo nang 7. 7, mga 7.5, 7.8.

VG: Isa na sa all-time favorite movies mo ay No Other Woman. Nagkaroon na ba ng time na naging other woman ka Tito Boy?
BA: Yes. Palagay ko naman lahat tayo may mga pinagdadaanan na ganun. Pero ‘yun yung mga bagay na pinagdadaanan mo na pinagsisihan mo, mga bagay kung saan humingi ka ng tawad. Mga bagay na na-rerealize mo na mali and you become better.

VG: Takot po ba kayo malaos?
BA: If you asked me that question five years, ten years ago, oo. Pero ngayon ‘di na masyado. Parang sobrang grasya na ang binigay sa ‘kin ng Diyos. I am content. I don’t have everything but I have enough.

VG: Tito Boy sa henerasyon ng mga bagong talkshow host, sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez at KC Concepcion, sino ang una, pangalawa at pangatlo?
BA: ‘Yan ang ayaw ko sagutin. Ayoko ko makasakit.

VG: