• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador clarifies that there is no rivalry between her and Kim Chiu in My Binondo Girl

Maja Salvador clarifies that there is no rivalry between her and Kim Chiu in My Binondo Girl

The actress shares that her inclusion in the teleserye with Kim Chiu made them closer as friends.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/22/2011 11:49 PM
Maja Salvador clarifies that there is no rivalry between her and Kim Chiu in My Binondo Girl


102311-maja-main.jpgSa Entertainment Live nitong Sabado, hindi itinanggi ni Maja Salvador na umaasa rin siyang magka-award dahil sa kanyang performance sa pelikulang Thelma. “Siguro lahat naman kapag may isang bagay na pinaghihirapan, gusto mo meron ka namang award na matanggap. ‘Yun naman ata ang hinihintay nating lahat. ‘Pag may pinaghirapan ka so ‘yun ipinagdadasal ko kahit hindi best actress (ang award na matanggap ko). ‘Yung ma-recognize ‘yung pelikula na Thelma sa ibang bansa, masayang masaya na ako don,” ani Maja na kadarating lang ng bansa mula sa screening ng kanyang pelikula sa Hawaii.

Tinanong din ang dalaga kung walang namumuong tensyon sa kanila ng kaibigang si Kim Chiu dahil ipinasok na siya sa My Binondo Girl. Ayon kay Maja, mas naging solid pa nga ang friendship nila ni Kim. “Mas naging strong ‘yung friendship namin kasi ako masaya ako na nag-guest ako sa My Binondo Girl kasi nakakasama ko ‘yung kaibigan ko para nga kaming naglalaro lang sa (set). Walang isyu sa amin walang comparison, nagtatrabaho kami, nandun kami as Jade at Amber. Hindi si Maja at Kim ang nag-aaway sa totoong buhay (kundi) ‘yung mga characters namin.”  

Noong October 5 ay nag-celebrate si Maja ng kanyang birthday at ikinuwento niya ang regalo sa kanya ng boyfriend na si Matteo Guidicelli. “Bago ako umalis nag-set siya ng dinner, sinurprise niya ako pero siya ang sinurprise ko, nabuko ko siya. Kahit na walang materyal na regalo, importanteng regalo bago ako umalis pinagsama-sama niya ‘yung mga importante sa akin at mahalaga sa akin para magsama-sama kami bago umalis kasi matagal-tagal din akong nawala dito sa Pilipinas.”