• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla backs out of the upcoming Metro Manila Film Festival

Robin Padilla backs out of the upcoming Metro Manila Film Festival

Robin Padilla gives way to Gov. ER Ejercito for the upcoming Metro Manila Film Festival.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/21/2011 8:53 AM
Robin Padilla backs out of the upcoming Metro Manila Film Festival


102111-robin_main.jpgSinabi ni Robin Padilla na kusa siyang nag-back out sa nalalapit na Metro Manila Film Festival para magbigay daan sa entry ni Laguna Governor ER Ejercito. Dapat ay kasama ang ginagawang pelikula ng action superstar na Mr. Wong sa MMFF subalit dahil daw ayaw niya ng gulo ay siya na ang kusang umatras. Sinabi rin ng actor sa report ng TV Patrol na hindi niya matatapos ang proyekto at ang papalit ay ang pelikula ni Gov. Ejercito na Asiong Salonga.

Malaman din ang naging pahayag ni Robin tungkol sa kanyang pagbo-volunteer. “Hindi magiging problema ang shooting kasi kompleto kami eh si Mother Lily (Monteverde, Regal Films matriarch), si Roselle-Teo (anak ni Mother Lily). Lahat ng staff humihingi kami ng paumanhin kung nagdesisyon kami na huwag na lang tayong sumali. Ako ‘yung taong ayoko ng gulo eh,” ani Robin.

Meron naman mensahe si Binoe kay Gov. Ejercito, “Basta isauli n’yo ‘yung P500,000 ko, ‘yun lang ‘yon. Eh baka ma-forfeit ‘yung pera ko diyan, eh, governor, personal kong pera ‘yon. Kaya sana personal mong pera ang ibalik mo sa akin.”

Samantala magiging Buena mano naman ni Robin ang Mr. Wong para sa 2012.