Pinoy Big Brother won't move to other network

Cristine Reyes says she and Rayver Cruz will in Las Vegas next year for a vacation only.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/21/2011 11:05 PM
Pinoy Big Brother won't move to other network


102211-pbb-main.jpgItinanggi ni Business Unit Head Lauren Dyogi ang isyung lilipat na sa ibang network ang “Pinoy Big Brother” (PBB).

Giit ni Dyogi ang Kapamilya network pa din ang magbo-broadcast ng sikat na Endemol-franchised reality show.

Sa report ng ABS-CBN News, sinasabing masaya pa din ang Endemol Management sa page-ere ng ABS-CBN ng PBB.

“There is no truth to that, PBB will stay in ABS-CBN. In fact, management and Endemol are very happy with Pinoy Big Brother under our network,” ani Lauren.

Dagdag ni Dyogi matuturing na ang PBB ang isa sa programang may pinakamalakas na dating sa mga manonood sa bansa.

“We are actually the biggest Big Brother franchise in Asia. It will stay in ABS-CBN."

Sa ngayon matapos ang ilang libong nag-audition, may 48 contestants ang magkakaroon ng pagkakataong mapasok ang "Bahay ni Kuya."
 
Malalaman naman kung ilan lang ang magiging "housemates" ni Kuya sa darating na October 29.

Ang pinakabagong “PBB Unlimited,” ayon kay Dyogi ay magbabahagi ng "unlimited possibilties" na pwedeng mangyari sa patnubay ni Big Brother.

Dahil tawag namin dito unlimited, maraming mga pasabog, buong araw niyo ito mapapanood. Hindi lang sa TV puwede rin sa computer at marami pang iba. Talagang this is the biggest and most challenging edition,” ani Lauren.

Ang bagong programa ng PBB ay pangungunahan nila Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez bilang hosts.

Sasamahan ang mga datihang PBB hosts nila Robie Domingo at Martin Concio.