Jolo Revilla leaves 'My Binondo Girl'

Jolo Revilla takes an indefinite leave from 'My Binondo Girl' due to health concerns.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/21/2011 8:56 AM
Jolo Revilla leaves 'My Binondo Girl'


102111-jolo_main.jpgEmosyunal ang naging episode ng My Binondo Girl noong Miyerkules, Oktubre 19 dahil ipinakita rito ang pamamaalam ni Onyx, ang karakter na ginagampanan ni Jolo Revilla. Dalawang beses na kasing naospital ang actor dahil sa pananakit ng kanyang ulo. Sinasabi pang ang sunud-sunod na taping ang dahilan ng pagtindi ng kanyang nararamdaman.

Si Kim Chiu, ang kanyang leading lady at ang bida ng My Binondo Girl ay may mensahe kay Jolo. “Lagi siyang mag-ingat. Huwag isyang ma-stress masyado at huwag mag-isip ng kung anu-ano para gumaling siya kaagad,” ani Kim sa report ng TV Patrol.

Sinabi naman ng ama ni Jolo na si Sen. Ramong “Bong” Revilla Jr. na ipinatingin na nila ang anak at naging maganda naman ang resulta ng mga ito. “Kaya namin ipina-second opinion. Buti na lang maganda ang kanyang turnout.”

Sinabi rin ng actor-politician na pinaalalahanan din niya ang anak na ingatan ang sarili lalo pa’t very demanding ang kanyang trabaho. “Sinabi ko na sa kanya, ‘You have to slow down, anak, hindi biro ‘yan,’” anang senador.

Samantala, walang katiyakan kung kailan babalik si Jolo sa My Binondo Girl pero umaasa ang staff na babalik din ang actor soon.