• Home
  • Fresh Scoops
  • Jinkee Pacquiao says she's lucky not to be the 'other woman'

Jinkee Pacquiao says she's lucky not to be the 'other woman'

Jinkee says rumors about Manny's new love child is just a distraction for his upcoming match.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/21/2011 11:10 PM
Jinkee Pacquiao says she's lucky not to be the 'other woman'


102211-jinkee-main.jpgNagpapasalamat si Jinkee, asawa ni boxing champion Manny Pacquiao na siya ang legal na asawa at hindi ang "other woman."

"Suwerte ko (I’m lucky that) I’m the original, not the other woman,” ani Jinkee sa Philboxing.com bilang reaksyon sa pinakabagong isyung nagsasabing may anak sa labas di umano ang boksingero.

Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagdalo 'di umano ni Manny sa binyag ng anak ng isang Kat Ordoñez noong nakaraang buwan.

Sinasabing hindi ninong, kung hindi ama talaga ng anak ni Kat si Manny.

Para kay Jinkee, isang paninira sa focus ng asawa ang bagong isyu. Ang boxing congressman ng Saranggani ay busy ngayon sa pag-eensayo para sa kanyang laban kay Juan Manuel Marquez sa darating na Nobyembre 12 sa Las Vegas.

“This rumor is a distraction and a destruction. It will only slow and hurt Manny. I don’t want him to worry,” ani Jinkee.

Ani Jinkee, matapos ang isyu ng extra-marital affair sa pagitan ni Manny at aktres na si Krista Ranillo, natutunan niya ang magpatawad at maniwala ulit sa katapatan ng asawa sa kanilang relasyon.

“I love my husband very much. I trust him, because he promised he will not get involved with anyone anymore, after Krista.
 
Para patunayan na walang gusot sa pagitan nilang mag-asawa, nakatakdang lumipad si Jinkee patungong Los Angeles sa November 5.

Nakatakda din siyang magkaroon ng business meeting kasama ang bagong kaibigan na si Paris Hilton.

Matatandaang ilang linggo ang nakakaraan ng magbago ang isip ni Jinkee sa kanyang hamon na magbibigay ng Hermes bag sa sinumang makakapagpatunay na may ibang babae ulit si Pacquiao.