• Home
  • Fresh Scoops
  • Is there rivalry again between Cristine Reyes and Sarah Geronimo?

Is there rivalry again between Cristine Reyes and Sarah Geronimo?

Rather than focus on the comparison issue between her and Sarah Geronimo, Cristine Reyes is just grateful for the success of her latest movie.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/21/2011 11:10 PM
Is there rivalry again between Cristine Reyes and Sarah Geronimo?


102211-sarah-cristine-main.jpgNabuhay na naman ang rivalry between Cristine Reyes and Sarah Geronimo dahil sa pagkukumpara sa kanila pagdating sa pelikula. Nauna nang itinanghal na Box Office Queen si Sarah Geronimo dahil sa mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life. At dahil sa pagtabo ngayon ng pelikulang No Other Woman, sinasabing malaki ang chance ni Cristine na masungkit ang title along with co-star Anne Curtis.

Flattered si Cristine sa nasabing posibilidad pero safe ang sagot ng aktres at sinabi na masaya na siya sa pagiging current highest grossing local film ng No Other Woman with or without the title. Matatandaang dati nang nagkaisyu sa pagitan nina Cristine at Sarah nang pareho silang ma-link kay Rayver Cruz, dating boyfriend ni Sarah at current boyfriend ngayon ni Cristine.

At higit sa comparison, masaya lang ang star ng Reputasyon na buhay siya. Kamakailan kasi ay na-diagnose siya with viral meningitis kaya’t itinuturing niya na second life ang buhay niya ngayon. “Tinreasure ko ‘yung bawat araw na ibinigay sa akin. Madalas lang ako nasa bahay, lumalabas lang ako with friends,” kuwento ng dramatic actress sa interview ng TV Patrol.

At dahil sa box office success ng No Other Woman sinasabing may posibilidad itong magkaroon ng part two pero wala pang kumpirmasyon. Samantala, kumpirmado naman na extended ang teleserye ni Cristine na Reputasyon until January 2012.

Todo naman daw ngayon ang pag aalaga ni Rayver kay Cristine ngayon ay nagbabalak na magbakasyon sa US next year.