• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino hopes the opportunity to make her first international album pushes through

Yeng Constantino hopes the opportunity to make her first international album pushes through

Yeng Constantino is looking forward to having the rest of Asia enjoy her music.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/20/2011 9:12 AM
Yeng Constantino hopes the opportunity to make her first international album pushes through


102011-yeng_main.jpgKamakailan ay nagkaroon ng press conference si Yeng Constantino para sa kanyang fourth album at first live album ang Yeng Versions Live under Star Records. Tampok sa nasabing album ang mga kantang inawit ng singer sa kanyang previous concert na mga revivals ng mga kinikilalang local OPM artists. Tuwang-tuwa si Yeng dahil ngayon pa lang ay gold na ang nasabing album.

Ito na ang pinakakinatatakutan kong album yata, gumawa ng remake album but I’m really happy na na-break ‘yung fear na ‘yon. May konting pride,” sambit ng dalaga. “Live recording ito sa concert ko sa Teatrino. Sobra ding nagpakaba sa akin kasi ang hirap mag-record na walang editing parang kakantahin mo lang ng malinis tapos ‘yun ang lalabas sa market.”

Isa pang rason na para maging masaya si Yeng ay ang posibleng offer na mag-record ng album sa buong Asia. Willing ba siyang manatili sa abroad if ever makapag-establish siya ng career sa ibang bansa? “I think okay lang kasi dream may din naman akong maglabas ng album na marinig ang music ko ng ibang nationality. Iba ‘yung kultura sa atin, iba ‘yung kultura sa place nila. Siguro parang mag-adapt sa place nila kailangang mag-stay don for a while. Pero totally kalimutan ang OPM scene parang nakakalungkot naman ‘yon, hindi ko kaya.”

Kung matuloy man ang sinasabing Asian album ni Yeng, tila natagalan yata at tinanong siya na baka intrigahin siya na gagawa siya ng album abroad kung kailan ang mga kasabayan niya na kagaya nina Christian Bautista at gumagawa na ng album sa ibang bansa. Depensa naman ni Yeng, “‘Yung opportunity po kasi ngayon nagsa-start. Right timing din. I think season din ngayon so that’s good din. Actually ang galing ng nagawa nina Kuya Christian at Ate Karylle, Charice kasi parang nag-open ang doors for Filipinos na ipakita ‘yung talento nila so that’s good. There is nothing wrong about it.”

Hindi rin itinanggi ni Yeng na nakaramdam siya ng inggit nang magtagumpay ang Asian album ni Christian. “Oo naiinggit talaga ako. Bukod [pa] sa unang album ni Kuya Christian, tapos ‘yung Jose Mari Chan na album na nag-hit sa Asia talagang wow, so cool! Pero alam mo, sinasabi mo sa sarili mo na parang ayaw mong paasahin pero deep inside your heart gusto mo rin talaga. Minsan nangangarap ako and kung eto na nga ‘yung opportunity na ‘yon gusto ko i-take ‘yung responsibility and be more disciplined this time.”