• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda says he and Ogie Diaz are fixing their misunderstanding

Vice Ganda says he and Ogie Diaz are fixing their misunderstanding

The comedian says things are getting better between him and talent manager Ogie Diaz.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/2/2011 9:40 PM
Vice Ganda says he and Ogie Diaz are fixing their misunderstanding


100311-Vice-main.jpgBumuti na raw ang relasyon ni Vice Ganda sa kanyang manager na si Ogie Diaz matapos niyang sabihin early last week na may pinagdadaanan ang kanilang manager-talent relationship. Sabi ni Vice last week, hindi raw sila masyadong close, hindi nag-uusap pero hindi rin naman magkaaway.

Pero sa concert ni Toni Gonzaga last Friday kung saan special guest si Vice, sinabi niya na mas maayos na raw sila ng kanyang manager. Ang kuwelang paliwanag pa ng komedyante sa interview, “Wala kayong dapat alalahin sa amin ni Ogie. Kami’y nagmamahalan. Masyado na kayong maraming alalahanin sa mga sarili n’yo, huwag n’yo nang isipin ang mga pangyayari sa buhay namin. Isipin n’yo ang mga buhay n’yo. Masaya kami ni Ogie, hindi kami naging masaya nung mga nakaraan pero sumasaya kami at mahal namin ang isat-isa.”

Sinang-ayunan naman ito ni Ogie sa ipinadala niyang text message sa The Buzz kahapon. Dito, ipinaliwanag ng manager-host na wala silang kontrata ni Vice at tanging ang tiwala sa isa’t isa ang kanilang unawaan. Narito ang buong nilalaman ang mensahe, “Wala kaming ipinagkaiba ni Vice Ganda sa ibang relasyon. Kaya wala kaming kontrata dahil turingan namin ay mag-ina, magkaibigan, magkapatid at magkapamilya na nagkakatampuhan. Hindi nagkakaintindihan at nagkakasamahaan ng loob. Puwedeng ayusin, pwede ring tapusin. Kung sasabihin niyang mahal niya ako, mahal ko rin siya. Kung sasabihin niyang ayaw na niya sa akin bilang manager niya wala din akong magagawa. Anuman ang sabihin niya, ‘yun na rin ang sa akin. Anuman ang desisyon niya ‘yun na rin ang desisyon ko. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya at makakapagpagaan ng kanyang loob, ibibigay ko sa kanya kase mahal ko siya.”