• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz says he's not doing teleseryes to focus on movies

John Lloyd Cruz says he's not doing teleseryes to focus on movies

The versatile actor promises that his upcoming movie with Angel Locsin will be something different and new.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/2/2011 9:45 PM
John Lloyd Cruz says he's not doing teleseryes to focus on movies


100311-jlc-main.jpgNaka-focus ngayon si John Lloyd Cruz sa ginagawa niyang pelikula with Angel Locsin. Ito ang first team-up nila for a movie although nagkatrabaho na sila sa teleseryeng Imortal. Noong weekend nga ay pumunta ang dalawa sa San Juan, Batangas kung saan nila kinunan ang ilan nilang romantic scenes.

Paniniyak pa ni John Lloyd about their upcoming movie, “As always the intention is to deliver something new, something different to the audience. Especially this time, first time namin ni Angel to work on a movie.”

Mukhang pelikula muna ang pagkakaabalahan ng actor dahil sa recent interview sa kanya ay sinabi niya na wala pang concrete plans about his next teleserye. “Sana hindi masyadong matagal (ang paghihintay for my next teleserye) ‘di ko alam kung tatapusin ko muna itong pelikula para mag-movie ulit or magsabay or mag-overlap. I’m not sure sa ngayon, ‘di ko pa masabi.

Very naughty naman ang actor nang kamustahin ang kanilang relasyon ni Shaina Magdayao. “Ganun pa rin, boring, nothing new,” sabay tawa niya. “We’re doing perfectly fine.”

Samantala, naging isa sa mga espesyal na bisita ni Toni Gonzaga si John Lloyd sa kanyang recent concert at sinabi pa ni Lloydie na it’s a privilege for him na makilala si Toni dahil marami raw silang realizations noong magkatrabaho sila sa My Amnesia Girl. “Ang dami kong natutunan sa team up namin ni Toni kahit sabihin mong isang movie lang ‘yon.”