• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes says she never experienced being the other woman

Cristine Reyes says she never experienced being the other woman

The sexy actress shares that it feels unbelievable that she and boyfriend Rayver Cruz are celebrating their first anniversary together.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/2/2011 9:30 PM
Cristine Reyes says she never experienced being the other woman


100311-cristine-main.jpgVery confident si Cristine Reyes sa pagsasabi sa The Buzz na never niyang naramdamang naging other woman siya. In the past ay marami ring lalaking na-link sa sexy actress pero hindi raw siya naging third party. “Hindi ako tinu-two time,” kumpiyansa niyang sabi. “Kesa sa dalawa (kami), pipili siya, eh ‘di ako na lang. Totoo naman eh.”

Recently naman ay nag-celebrate sila ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz ng kanilang first anniversary. Hindi nga makapaniwala ang aktres na nakakaisang taon na pala sila ni Rayver bilang magkasintahan.  “Hindi ako makapaniwala na one year na, parang kahapon lang, ang gulo-gulo. Happy ako siyempre umabot kami (ng) isang taon.” Simple lang daw ang kanilang naging selebrasyon. “Nag-movie tapos nag-dinner,” maiksing tugon ni Cristine.

Samantala, sobrang saya naman ni Cristine dahil sa patuloy na pagtabo ng kanyang current movie with Anne Curtis at Derek Ramsay, ang No Other Woman. Kuwento ng aktres, madalas siyang batiin ng mga kaibigan at laging nakakatanggap ng balita dahil patuloy na pinipilahan ang kanilang pelikula. Noong nakasalubong siya ng mga kapwa artista sa ASAP nitong Linggo ay ginagaya ang kanyang mga linya sa nasabing pelikula.