• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda on relationship with former talent Erik Santos: 'May lamat na'

Boy Abunda on relationship with former talent Erik Santos: 'May lamat na'

If ever that he returns to managing talents, Boy Abunda says he is still open to managing the career of Erik Santos.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/2/2011 9:50 PM
Boy Abunda on relationship with former talent Erik Santos: 'May lamat na'


100311-boy-main.jpgInamin ni Boy Abunda sa The Buzz this Sunday na may lamat na ang relasyon niya sa kanyang dating talent at kaibigan na si Erik Santos. “Wala na akong galit kay Erik pero lamat meron. ‘Pag may lamat na ang relasyon, itong klaseng peklat (o) lamat, ito ‘yung lamat na mahihilom ng panahon, hindi ito ganun kalalim. ‘Pag nasaktan ka kasi dalawa ang choices mo, either to treat that pain as pain or treat that pain as a lesson.” Nagsimula kasi ang isyu nang makarating sa King of Talk ang balitang sinabi umano ni Erik, na nakukulangan siya sa paraan ng pagma-manage ni Boy sa kanya. Nagkaayos na raw sila ni Erik pero marami na ang nasabi at lumabas at kinailangan din ni Boy na ipagtanggol ang sarili sa mga lumabas na isyu.

“The first time Erik was released from Backroom (talent agency na kinabibilangan ni Boy), ayokong dumitalye. Sinabi ko, ‘Erik, huwag nating masyadong idetalye para hindi masyadong maging madugo ang pag-uusap. ‘Pag wala kang masyadong nabibitawang salita, mas mabababaw, healing is easier. I was wrong. Dahil hindi namin pinag-usapan ang mga detalye, nagpatuloy ang mga usap-usapan, hanggang sa magkapikunan, hanggang masaktan po ako, hanggang nasaktan siguro si Erik at ang mga tao sa aking munting opisina at lumala nang lumala.”

Hindi raw nagsisinungaling si Boy sa tuwing tatanungin siya na ang Backroom ang nagdesisyon na pakawalan si Erik at hindi ang mga bali-balitang umalis si Erik doon.

Kahit na tumanggi si Boy na idetalye kung paano sila nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan ni Erik, malinaw sa kanyang mga sagot ang pinagmulan ng kanilang hidwaan. Hindi naman niya sinasabing siya ang nagdala kay Erik sa tagumpay dahil talented naman ang singer. “Ayoko na sanang idetalye kung ano ang pinakamasakit (na ginawa ni Erik sa akin). I will answer in general terms na maaaring may relasyon doon sa relasyon namin ni Erik Santos. Alam mo, ang respeto ng taong iginagalang mo ay mahalaga, ang pagmamahal ng taong minamahal mo ay mahalaga,” simula ni Boy. “’Pag nasasaktan ka ng taong minamahal mo at iginagalang mo, masakit. Sa ating negosyo, and this is general, ‘pag ginagawa n’yo po ang iyong kayang gawin and you do it with love, you do it with a lot of hard work, you fight with everything that you have at ‘pag nasabihan kang what you’re doing is not enough, masakit. ’Pag ipinaramdam sa isang manager that in spite of the hard work that you put into the career in the life of an artist at ‘pag nasabihan kang kulang, wala kang ginagawa, ‘yun ang masakit.”  

Hindi itinanggi ni Boy na marami siyang pagkukulang bilang isang talent manager. “I am not a perfect manager, I am not a perfect human being, marami akong pagkukulang. First comes to mind (is) panahon,” salaysay ng The Buzz host. Dati raw ay nasasamahan pa niya ang kanyang talents sa mga provincial tours at ibang activities pero dahil sa pagiging busy ay nawalan na siya ng panahon. Sinikap raw niyang punan ang pagkukulang na ito sa ibang paraan subalit hindi raw naging sapat.

Nang tanungin naman kung ano ang pagkukulang ni Erik, hindi direktang tinukoy iyon ni Boy subalit malinaw sa kanyang paliwanag ang naging hinaing niya sa dating talent. “Hindi ako mabilang, whatever I did for Erik as a manager, ibinigay ko nang taos-puso. Wala akong expectation na babayaran ako. Nagbibibigay ako at ‘di nagbibilang ng naibigay.”

Hindi naman daw siya nagsisisi na hinawakan niya si Erik bilang talent dahil naging magkaibigan naman sila sa huli at nalampasan naman ang pagsubok. Kung bumalik man daw si Boy sa pagiging talent manager ay bukas pa rin siyang i-manage si Erik.

Marami raw natutunang aral sa pangyayari si Boy at una na rito ang