• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino on lessons on love: 'Huwag mong sadyaing masaktan ka.'

Yeng Constantino on lessons on love: 'Huwag mong sadyaing masaktan ka.'

Yeng Constantino says that she is not the type to make the first move.Yeng Constantino says that she is not the type to make the first move.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/19/2011 9:32 AM
Yeng Constantino on lessons on love: 'Huwag mong sadyaing masaktan ka.'


101911-yeng_main.jpgWala pa ring bagong news, wala pa rin akong bagong boyfriend,” sagot ni Yeng Constantino nang kamustahin namin ang kanyang love life. Pero aniya, lumalabas-labas naman siya kasama ang mga kaibigan. “Naniniwala kasi ako na every relationship starts with a good friendship so dun lang tayo sa estado na ‘yon na makipagkaibigan.”

Sabi pa niya, hindi naman niya pine-pressure ang sarili na magka-boyfriend at kahit na maging kaibigan lang niya ang isang tao ay nakatutulong na sa kanyang pagkatao. “Lahat kinikilala ko. Kung hindi ko man makatuluyan ‘yung person I feel like may matututunan pa rin ako sa person na ‘yon. Natututo ako ngayon actually sa pakikipag-usap pakikisalamuha sa ibang tao and I’m really happy. Dapat i-open ko lang ang sarili ko na makipag-mingle, hindi lang laging nasa bahay.

Pagkaklaro niya, hindi raw mataas ang kanyang standard gaya ng iniisip ng iba kaya hanggang ngayon ay single pa rin ang singer. “Siguro waiting kasi kung padalos-dalos, ‘yung experience na matatamo sa relationship, is equivalent to sobrang laking heartbreak. More like me guarding my heart,” depensa ni Yeng.

Paliwanag pa ni Yeng, kahit alam niyang malaki ang maitutulong ng karanasan sa buhay ng isang tao, hindi naman ito dahilan para maging pabaya siya sa sarili. “Huwag mong sadyaing masaktan ka. Experience is a good teacher that’s true. Pero paano kung aware ka na ‘pag ginawa mo ‘to masasaktan ka? Parang sinabi mo na tutusukin ko ang sarili ko para malaman ko na masakit ang tusok ng karayom.” Aniya, ang pinakamagandang gawin pa rin ay makipagkilala sa mga tao at kilalaning mabuti ang bawat isa. “Kasi mararamdaman mo ‘yun eh, mag-iiba ang tibok ng puso mo, talagang may mahika so parang akong naghihintay ako ng moment pero ngayon wala po talaga akong nararamdaman.

Pero paglilinaw ni Yeng hindi siya ang tipo na unang gagawa ng move para magpapansin sa lalaki. “Parang ‘di ko naman kaya ‘yon. Ayoko mag-manipulate ng situation. Kung ano po ang dumarating, sino ang mga taong dumarating sa buhay ko, makiki-mingle lang ako.”