• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez: 'We don't want to dwell on what's missing right now'

Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez: 'We don't want to dwell on what's missing right now'

Toni Gonzaga refuses to take responsibility over Mariel Rodriguez's 'unhappiness' before leaving ABS-CBN.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

10/19/2011 9:47 AM
Toni Gonzaga on Mariel Rodriguez: 'We don't want to dwell on what's missing right now'


101911-toni_main.jpgHindi naiwasang hingan ng reaksyon si Toni Gonzaga tungkol sa pahaging ni Robin Padilla na may kinalaman sa biglaang paglipat ng network ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez. Malaman kasi ang sinabi nito kamakailan na hindi na uuwing “umiiyak” at “nagkukulong sa kwarto” si Mariel ngayong masaya na ito sa bagong noontime show.

“Because it’s a general statement, ayoko naman mag-take responsibility for whatever it is that was said. Ayoko naman i-assume na dahil sa programa ng Happy Yipee Yehey! yun. Siguro the best person to answer is the one who gave that statement. Kasi ang mahirap sa amin, kami ay nagtratrabaho lang din. Hindi naman namin kayang i-interpret kung ano man ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya. So mahirap mag-comment sa isyu na ‘yan,” ani Toni sa ginanap na grand press con ng Pinoy Big Brother Unlimited sa Elements, Centris kagabi, October 17.

Inamin ni Toni na bagamat nakarating sa kanya ang nasabing kontrobersiya, hindi raw sumama ang kanyang loob dahil mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang mga blessing na dumarating sa buhay niya ngayon. “Narinig ko lang yun sa Happy Yipee Yehey!, kinukwento ng mga staff, ng mga kasama namin, yun lang. Parang kwinento lang tapos nag-move on na rin kami. Kasi right now, dahil kakatapos lang lahat ng masasayang pangyayari sa buhay ko, ayoko magisip ng negative e. Huwag muna ako mag-isip ng negative sa ibang tao. Kung may negative man around me, ayoko muna i-entertain, so maging masaya na lang tayo lahat.

Matagal ding nakasama ni Toni si Mariel bilang co-host sa Pinoy Big Brother. Nang tanungin siya kung mami-miss ba niya ito sa reality show, ito ang naging simpleng sagot ni Toni, “Definitely malaki ang pagbabago this season dahil mayroon tayong mga kasama na hindi na natin makakasama. Kahit mga staff natin may mga iba din nag-ibang bahay. Definitely malaking adjustment. Pero gaya ng sabi ni Direk Lauren Dyogi, we don’t want to dwell on what’s missing right now. We just want to look forward and move on and really present to you what PBB has to offer in this newest season.”

Ayon pa sa Ultimate Multimedia Star, mayroon pa rin naman silang komunikasyon ni Mariel. Yun nga lang ay hindi talaga nila pinag-uusapan ang mga intrigang kinasangkutan nila kamakailan. “Definitely hindi mawawala yung communication. Hindi naman tayo nagbu-burn ng bridges. Pero hindi kami nakapag-usap noong bumisita siya sa bahay ni Kuya. Hindi ako ganon e [yung tipong gustong linawin ang isang isyu]. Ever since hindi ako ma-clarify kasi feeling ko press people ang dating ko kapag ganon. Baka isipin niya, ‘Press ka ba? Bakit gusto mo naman i-clarify ‘yan?’”

Hindi rin daw sila nagkaroon ng chance na magkasama at magkausap ng masinsinan kahit noong nanood ng Toni @ 10 concert si Mariel. “Wala, kasi nag-text lang kami nun tungkol sa concert. At saka hindi naman na ako nagtatanong. May mga bagay na siyempre ayaw mo malaman. I-respeto mo na lang.”

Marami pa rin kasi ang nagdududa na maayos na ang lahat sa pagitan ng dalawa dahil mismong si Mariel ang nagsabi noon sa isang pahayag niya sa dyaryo na hindi na naibalik ang dati nilang samahan ni Toni. “Pero nakapagsalita naman na si Mariel [na okay na lahat]. So, whatever it is that she said, dun na lang tayo mag-pick up. Like I said, I cannot keep on talking about this whole issue when I don’t even know the gravity of the whole situation. Kasi parang part lang din naman tayo, nababanggit lang tayo, so ang hirap kung makisawsaw pa ako.”

Tingin ba niya ay m