• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao reveals why her next project is close to her heart

Shaina Magdayao reveals why her next project is close to her heart

The actress feels honored in playing the role of an OFW because they are true heroes who support their families back home.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/18/2011 9:08 AM
Shaina Magdayao reveals why her next project is close to her heart


101811-shaina_main.jpgNaghahanda na ngayon si Shaina Magdayao sa kanyang susunod na teleserye na pagbibidahan nila ni Jake Cuenca na nauna na niyang nakatambal sa teleseryeng Ruby. Ang magiging titulo ng kanilang teleserye ay Doha, na tatalakay sa buhay ng mga overseas Filipino workers. Ani Shaina, nakaka-relate siya sa pagiging OFW dahil marami siyang kamag-anakan na nakatira sa ibang bansa. “Marami akong mga pinsan na nandon and right now ‘yung third sister ko is there kasama ‘yung dalawang pamangkin ko so alam ko ‘yung feeling na mayroon kang kapamilya na malayo sa ‘yo di ba?” sambit ng aktres. “Kaya ‘yun talagang parang malapit talaga (sa puso ko ang project), ganun talaga ang dating ng proyektong ito sa akin.”  

Bukod pa rito, sinabi ng dalaga na sinisigurado niya na pinagbubutihan niya ang anumang proyektong ibinibigay sa kanya.”Lagi naman akong ginaganahan eh everytime na binibigyan tayo ng proyekto ng ABS-CBN pero ito parang somehow honored ako agad na ako ang napili na gumanap na OFW kasi ako mismo meron tayong mga relatives na nagtatrabaho sa ibang bansa so hindi bago sa atin ‘yon.” Dagdag pa ng dalaga, alam niya na sa pamamagitan ng nasabing proyekto, makakatulong siya sa mga OFWs na ibahagi ang kanilang pinagdadaanan sa ibang tao sa pamamagitan ng teleserye. “Kaya honored ako na in my own little way dahil nga gagawin ko itong show na ito eh sana nga medyo mabigyan natin ng konting saya ang ating mga kababayan.

Pagbibida ni Shaina, talagang pinag-aralan ng kanilang team ang pagsusulat ng istorya para malapit ito sa katotohanan ng buhay ng isang OFW.  “Kasi ‘yung show bago nila ginawa, gumawa muna sila ng research. Nagpunta muna sila don so based sa research nila, ipinakita kung gaano talaga naghihirap ang mga kapamilya natin don.” Aminado rin ang dalaga na mataas ang respeto niya sa mga OFWs na nagsasakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay. “Mas tumaas ang respeto ko sa kanila at alam natin kung gaano sila nagpapakahirap. Siguro ganun na lang nila kamahal ang mga pamilya nila na natitiis nila ang mapalayo sa pamilya nila for a while or even for years. Okay sa kanila ‘yon basta masuportahan nila ‘yung mga pamilya nila dito sa Pilipinas.”