Young Actor, mahilig sa 'extra service?'

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

10/18/2011 12:00 AM
Young Actor, mahilig sa 'extra service?'


1018111-blinditem.jpgHay naku, ano naman ‘tong nabalitaan ko galing sa aking suking spa attendant about this certain Young Actor na kung ano-ano ang inire-request umano sa kanila? Ayon kay ate (na isang nanay na in her late 30s) eh naging costumer niya sa spa si Young Actor. Star struck nga ang mga attendants dito dahil ang pogi naman talaga ni Young Actor na super bet na ng mga tao noon sa reality show na kanyang sinalihan.

Pero biglang turn-off ang mga attendant, dahil nagtanong ito kung mayroon daw bang ‘extra service’ na binibigay ang kanilang establishment. Nagtataka sila dahil sobrang wholesome naman ng vibe ng kanilang spa, na karamihan pa ay mga girlash ang costumer at napaisip ang mga ito na baka sanay si Young Actor sa mga lugar na may ‘extra service.’ Ay, kalowka kasi ang bata pa ni Young Actor plus naisip nila sa mala-modelong looks nito eh madaling makabingwit ito ng chicks kung kanyang gugustuhin.

Say ko na lang eh sana safe lang lagi si Young Actor sa kanyang mga ‘pa-extra extra’ dyan!