• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu: 'Masaya lang ako na hindi nawawala ang suporta ng mga tao sa akin'

Kim Chiu: 'Masaya lang ako na hindi nawawala ang suporta ng mga tao sa akin'

The actress says she initially had doubts on people being able to relate to 'My Binondo Girl.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

10/16/2011 9:20 PM
Kim Chiu: 'Masaya lang ako na hindi nawawala ang suporta ng mga tao sa akin'


101711-kim-main.jpgProud at masaya si Kim Chiu sa patuloy na mataas na ratings ng kanyang teleserye, ang My Binondo Girl na kung tutuusin ay ang kanyang first launching project na wala ang ka-partner na si Gerald Anderson. “Masaya kami kasi hindi bumibitaw ang mga tao sa kuwento namin and (habang) patagal ng patagal, pataaas nang pataas ang ratings namin and masaya ako at sobra akong nagpapasalamat sa mga manonood and sumusuporta sa My Binondo Girl.

Aniya, sa pagpatok ng teleserye na siya ang starring role, ay isang achievement para sa kanya. “Oo siyempre, nakahinga na ako ng ‘di naman maluwag na maluwag. Pero kung lumaki ‘yung butas ng ganyan, lumaki siya ng konting ganyan (sabay muestra sa kamay). Masaya lang ako sobra na hindi nawawala ang suporta ng mga tao sa akin.”

Sabi pa ng aktres, noong una ay duda pa siya dahil hindi raw karaniwan ang istorya ng My Binondo Girl. Hindi rin daw ito ang nakasanayang pinapanood ng mga manonood sa primetime pero tinangkilik pa rin ito. “Una, kasi kakaiba siyang flavor para sa teleserye ng mga Pilipino kasi normally teleserye super heavy, iyakan to the max, family kuwento ganyan,” pahayag ni Kim. “Ito kasi parang kuwento ng isang babaeng ipinaglaban ang sarili niya. And nagpanggap pa siyang babae at lalaki so parang first time na may ginawang ganito na Pilipino and yun natutuwa ako kasi andaming nanonood, andaming sumusuporta, andaming natutuwa kay Yuan (character ni Kim). Mas hinahanap pa nga nila si Yuan kesa sa akin eh,” pagbibiro pa niya.