Sam Milby denies part in Piolo-KC 'break-up'

The actor says he has not even seen KC lately because of their busy schedules.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/14/2011 8:06 AM
Sam Milby denies part in Piolo-KC 'break-up'


101411-sam1_main.jpgItinanggi ni Sam Milby ang spekulasyong siya ang dahilan ng hiwalayan di umano nila KC Concepcion at Piolo Pascual.

Sa panayam nitong Miyerkules, sinabi ni Milby na labas siya sa isyu ng mag-kasintahan.

"I have nothing to do with it. I don't even know what's going on with them. I haven't hung out or talked to KC. But, we are friends naman," ani Sam.

Dagdag ni Sam, ni hindi niya alam na nagtungo si KC sa Europa para magpahinga.

Matatandaang lumipad palabas ng bansa si KC nitong nakaraang linggo para di umano "hanapin ang kanyang sarili" at "pag-isipan ang mga bagay-bagay."

Bilang kaibigan, hiling lang ni Sam na maayos ni KC at Piolo kung anumang gusot ang mayroon sila ngayon.

Kung hindi man maayos, hiling din ni Sam na maghiwalay ng maayos ang dalawa.

"Bilang kaibigan ko sila, that's something I will feel really bad at. Kaibigan ko sila, that's a sad thing. Siyempre wish ko, sakaling magkaaway [sila], of course, we want things to work out, and if they decided to split up, it should be a good split-up," Milby said.

Matatandaang na-linked minsan si KC kay Sam lalo pa noong gumawa sila ng pelikula.