Maricel Soriano denies abusing her house help

The Diamond star finally releases a statement on the issue about her being physically abusive to her maids.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/14/2011 9:27 PM
Maricel Soriano denies abusing her house help


101511-1-maricel-main.jpgMatapos ang ilang buwang pananahimik, nagsalita na si Maricel Soriano sa isyu ng di umano ay pangmamaltrato niya sa kanyang dating mga kasambahay.

Sa report ng ABS-CBN News, sinabi ni Maricel na hindi totoo ang paratang sa kanya ng dati niyang katulong na sila  May Cachuela at Camille Acojeda na sinaktan niya ang mga ito at tinakot pang babarilin.

Matatandaang nagsampa na ng kasong physical injuries at grave threats ang 2 laban sa kanilang dating among aktres.

Sa kanyang counter-affidavit, itinanggi ng "Diamond Star" ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.

“I did not commit any act that would constitute the crimes of grave threats, unjust vexation, slander, oral defamation and physical injuries,” ani Maricel.

Pinabulaanan din niyang tinakot niya ang dalawa sa pamamagitan ng baril dahil wala siyang pag-aaring armas na nakatago sa kanyang bahay.

“Allegation that I attempted to reach my gun is utterly false considering that I did not keep any gun in my house,” dagdag ng aktres.

Hindi din aniya totoo na ikinandado niya ang kwarto ng mga dating katiwala dahil wala naman talagang lock ang pintuan ng nasabing kwarto.

Giit ni Maricel, extortion ang ginawa ng dalawa laban sa kanya.

“This complaint is clearly a form of harassment and an attempt to extort money from me,” ani Maricel.

Pahayag pa ng aktres dati na niyang nahuling naghahalungkat ng kanyang wallet si Cachuela.
 
Kahit na hindi nakadating sa pagdinig sa Makati Prosecutor's Office ang aktres noong nakaraang linggo, umaasa pa din ang 2 katulong na makakakuha sila ng hustisya sa nangyaring pag-aabuso di umano sa kanila.