No Other Woman beats John Lloyd-Sarah film

No Other Woman is now the highest grossing Filipino movie of all time.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/13/2011 9:20 AM
No Other Woman beats John Lloyd-Sarah film


101311-nootherwoman_main.jpgAbot langit ang kasiyahan ngayon ng aktres na sila Cristine Reyes at Anne Curtis sa tagumpay ng kanilang pelikulang "No Other Woman" under Star Cinema.

Ayon sa Star Cinema nalampasan na ng "No Other Woman" ang record bilang highest grossing Filipino movie of all time.

Base sa Box Office return umabot na sa P220 million ang kinita ng pelikula kumpara sa 2008 romantic comedy film na  "You Changed My Life," na pinangbibidahan nila John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na kumita ng P209 million.

Walang pagsidlan ng kaligayan si Anne at Cristine ng malaman ang magandang balita.

"Thank you to everyone that watched "No Other Woman" it's because of YOU our movie is now the highest grossing Filipino film of all time. Maraming salamat sa pagsuporta ng pelikulang pilipino! Congratulations to our whole team!!! Pats on the back for everyone! @IAmDerekRamsay @EVAFONDA2008," ani Anne.

"NO OTHER WOMAN is now the highest-grossing Filipino film of all time. THANK YOU LORD GOD FOR EVERYTHING. nothing is impossible with you. thanks viva films & star cinema! Anne,derek & dir.ruel bayani. And ofcourse madlang people maraming salamat :)," dagdag ni Cristine.

Directed by Ruel Bayani, ang "No Other Woman" ay istorya ng pagkakamali at pagpapatawad.

Si Ram Escaler (Derek Ramsay) ay isang furniture businessman na kasal kay Charmaine Escaler (Cristine) nahulog ay nakiapid sa hotel heiress na si Kara Zalderiaga (Anne).