Baron Geisler ends rift with Yasmien Kurdi

After undergoing rehabilitation for alcohol abuse, Baron issues a public apology to Yasmien.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/13/2011 8:11 AM
Baron Geisler ends rift with Yasmien Kurdi


101311-baron_main.jpgTapos na ang kasong sexual harassment ni Baron Geisler matapos siyang humingi ng public apology sa aktres na si Yasmien Kurdi.
 
Matatandaang nagsampa ng reklamo si Yasmien noong 2009 matapos di umanong i-harass siya ng actor habang nagte-taping sa Bulacan.
 
Martes ng gabi sa Quezon City nang mag-public apology si Baron sa harap ni Yasmien at mga abogado nito.
 
Masaya namang tinanggap ni Kurdi ang paumanhin ni Baron at umaasang natutunan na ng aktor ang kanyang leksyon.
 
Sana lahat maka-move on na at sana may natutunan siya dito sa nangyari,” ani Yasmien.
 
Para naman kay Baron, isang tinik sa dibdib ang nabunot matapos siyang patawarin ni Yasmien.
 
“I’m very happy talaga, and para akong nabunutan ng tinik. It means a lot. Ibig sabihin, makaka-move forward na po talaga ako sa bagong buhay ko. Masaya ako dahil maganda ‘yung walang kaaway,” ani Baron.
 
Matatandaang nag-desisyong pumasok si Baron sa rehabilitation facility dahil sa alcohol abuse matapos siyang maireklamo ng harassment ng iba't ibang personalidad kabilang na si Yasmien, si Patricia Martinez (anak ni William Martinez at Yayo Aguila) at ang pinakahuli ay si Cherry Pie Picache.
 
Sa panayam naman sa “Bandila” kay Cherry Pie, sinabi nitong karapat- dapat na mabigyan si Baron ng pangalawang pagkakataon para magbagong buhay.
 
Kailan lang aniya ay huwag ng ulitin ni Baron ang kanyang pagkakamali.
 
“He deserves a second chance. Ang sa akin lang, sana kunin niya talaga ‘yung opportunity now that he’s going back to work. And I heard he’s working to really prove himself that he became better that he’s healed na talagang gusto niya na i-improve ‘yung sarili niya. Huwag na ulitin ‘yung mga ginagawa niya.”
 
Pinapurihan din ni Picache ang tapang ni Baron na aminin ang kanyang kasalanan nang mag-public apology ito kay Yasmien.