• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino is Angelina Jolie's counterpart in Asia for the UN High Commission for Refugees

Kris Aquino is Angelina Jolie's counterpart in Asia for the UN High Commission for Refugees

The host-actress says invitation to be an Ambassadress of Goodwill for UNCHR is a big honor for the country.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

10/11/2011 8:56 AM
Kris Aquino is Angelina Jolie's counterpart in Asia for the UN High Commission for Refugees


101111-kirs-main.jpgIkinatuwa ni Queen of All Media Kris Aquino ang imbitasyon na siya ang maging Ambassadress of Goodwill ng United Nations High Commission for Refugees o UNHCR.

Sa statement niya sa kanyang morning show na "KrisTV," inihayag ni Kris na karangalan hindi lamang para sa kanya at kanyang pamilya ang imbitasyon kung hindi karangalan ng bansang Pilipinas.

"What brings this appointment big honor is that it's not just for the Philippines. Ako po ang representative ng Asia. Ang American representative ay si Angelina Jolie, tapos mayroong representative na I think sa France or Norway galing. Basta from Asia,  Pilipinas ang napili nila at ako ang tatayo para sa ating lahat," ani Kris.

Dagdag niya: "Kaya maraming maraming salamat po kasi karangalan ito na ibinigay niyo di lang sa akin, hindi lang sa pamilya ko, kung hindi karangalan po sa bansang Pilipinas. So thank you, United Nations. Thank you, UN, for the trust you are giving me and the Philippines."

Ani Kris, nalaman niya ang balita noong pang nakaraang linggo at nakatakda siyang makipagpulong sa United Nations represenatatives sa susunod na linggo para sa nasabing imbitasyon.
 
"'Yung totoo po niyan was earlier this year ay nakipag-meeting po kami ni Boy Abunda about this. Nawalan na ako ng pag-asa kasi ten months na di pa rin sila bumabalik. Then I found out a week ago...noong nagmee-meeting ang UNHCR sa Switzerland. "I don't have the papers yet, magmee-meeting kami next week po again with the United Nations representatives." aniya.

Matatandaang nitong Lunes sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Presidential adviser for political affairs Ronald Llamas na nais ng UNHCR na kunin Kris para maging Goodwill Ambassador for Asia.

Sa opisyal na website ng UNHCR, sinasabing ang Goodwill Ambassador ay ang "public face of the UN refugee agency."