• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks on relationship with Jake Cuenca: Ibalato nyo na lang sa amin yon

Melissa Ricks on relationship with Jake Cuenca: Ibalato nyo na lang sa amin yon

Having been in the business for six years, Melissa Ricks is hoping to have a launching project soon.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/9/2011 10:01 PM
Melissa Ricks on relationship with Jake Cuenca: Ibalato nyo na lang sa amin yon


Biniro ng The Buzz host na si Charlene Gonzales-Muhlach si Melissa Ricks kahapon sa kanilang one-on-one interview sa show dahil 21st birthday na niya mismo ng araw na iyon (January 9) at legal na raw siyang magkaroon ng relasyon. For the longest time kasi ay nali-link si Melissa kay Jake Cuenca pero hindi sila umaamin sa kanilang relasyon.

Naging direkta sa pagtanong si Charlene kay Melissa kung sila na ba ni Jake. Noong mga nakaraang linggo ay umamin si Jake na isang taon at siyam na buwan na silang exclusively dating ng aktres. Pa-safe namang sinagot ni Melissa ang tanong. "Ang sa amin lang, we lasted this long (exclusively) dating because we kept things private and siguro ibigay n'rsquo;yo na lang sa amin 'lsquo;yon na maging masaya naman kami kung ano ang status namin," pakiusap niya. 'nbsp;

Ikinuwento rin ng aktres kung paano manligaw ang tulad Jake Cuenca. "Parang teleserye, sobrang sweet niya. Marami siyang pasabog, marami siyang surprises." Last year nga raw ay ginulat siya ng aktor nang maghanda siya ng isang special dinner with matching fireworks pa raw.

On a personal note, wish naman ni Melissa para sa kanyang birthday na magkaroon na siya ng break gaya ng kanyang mga kaibigan like Kim Chiu, Empress at Erich Gonzales. "Siyempre everybody wants to play a lead role and 'lsquo;yan talaga ang wini-wish ko and sana it comes very soon. And gusto ko medyo may pagka-kontrabida, something different. This time, hindi na pa-tweetums, hindi na pa-sweet. I want it to be more challenging para mapakita ko rin sa tao 'lsquo;yung kaya ko."'nbsp;