• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu and Gerald Anderson say that they will always remain special to each other

Kim Chiu and Gerald Anderson say that they will always remain special to each other

The perennial on-screen partners intend to leave all the intrigues of 2010 in the past and start afresh in 2011.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/9/2011 9:43 PM
Kim Chiu and Gerald Anderson say that they will always remain special to each other


Walang katotohanan na tinatapos na nina Gerald Anderson at Kim Chiu ang kanilang friendship. Ito ang malinaw na mensahe ng dalawa sa report sa The Buzz nitong January 9.

Recently ay tumungong South Korea si Kim para doon mag-Pasko at marami ang nagsabing, ang pag-alis ni Kim ay dahil sa tindi ng kanyang sama ng loob sa diumano'rsquo;y paghihiwalay nila ni Gerald. Nilinaw naman ni Kim na childhood dream kasi niya na makakita ng snow at last Christmas daw ang pagkakataon niya. "Nag-recharge lang para bagong simula. Natupad na pangarap na makasama 'lsquo;yung snow. Okay naman na-experience ko na 'lsquo;yung snow for the first time. Ang saya-saya, ang ganda," pagbabahagi ng aktres.

Kinumpirma pa ng aktres na magbabalik-tambalan sila ni Gerald sa upcoming episode ng Your Song Presents: Kim sa darating na Pebrero.

Sa Entertainment Live naman noong Sabado kung saan naging guest si Gerald ay sinabi niyang wala nang makapagbabago sa pinagsamahan nila ni Kim. "Kahit ano pong mangyari sa amin, we'rsquo;ll remain friends." Noong Pasko nga raw ay nagbigayan pa sila ng regalo sa isa'rsquo;t isa. Sinabi ni Gerald na binigyan daw siya ng bagong Blackberry phone ni Kim samantalang isang bag naman ang ibinigay niya sa aktres.

Matapos ang report sa The Buzz, ibinahagi pa ng host ng show na si Toni Gonzaga na nakikita niya sa ASAP (kung saan ay magkakasama silang host)'nbsp; na ayos na ang dalawa. "They'rsquo;re very okay now. Masaya si Kim," sabi ni Toni.