• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion confirms apl.de.ap of Black Eyed Peas gave her a Tiffany bracelet

KC Concepcion confirms apl.de.ap of Black Eyed Peas gave her a Tiffany bracelet

Actress-host KC Concepcion shares that rumored boyfriend Piolo Pascual is aware that she and apl.de.ap are friends.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/9/2011 9:56 PM
KC Concepcion confirms apl.de.ap of Black Eyed Peas gave her a Tiffany bracelet


Hindi na nag-detalye si Piolo Pascual sa kanyang interview sa The Buzz kahapon hinggil sa diumano'rsquo;y pagkakaroon nila ng tampuhan ng napapabalitang girlfriend na si KC Concepcion. Ani Piolo, may mga bagay daw sa buhay nila ni KC na nais nilang manatiling pribado.

Naging maugong din ang balitang pagkikita nina KC at ng rappper ng Black Eyed Peas na si apl.de.ap. na siya raw ang dahilan ng tampuhan nina Piolo at KC. Kinumpirma naman ng actress-host na nagkita nga sila ng sikat na rapper at producer.

Kuwento pa ni KC matagal na ring nagri-reach out si apl.de.ap sa kaniya pero recently lang sila nagkita. "Ngayon lang kami naging friends ni apl. There were times he was trying to get in touch for the last two years parang feeling ko lang kasi, hindi naman kami magkakilala bakit ako mage-entertain ng ganun kabilis?" paliwanag ng anak ni Megastar. "It was really, really nice he was talking about his charity events na ginawa niya dito sa Pampanga dahil taga-Pampanga siya."

Ibinuko rin ng co-host na si Charlene Gonzales-Muhlach na niregaluhan ni apl.de.ap si KC ng Tiffany bracelet. Kinumpirma naman ni KC na Christmas gift iyon at pagpapasalamat ng singer-rapper kay KC na sa wakas na pumayag na magkita sila. Hindi man nagkomento ay tinukso naman si KC ng kanyang mga kasamahan sa The Buzz na inimbita umano siya ng Filipino-American artist na mag-date sila sa US.

Nilinaw rin ni KC na wala dapat ikabahala si Piolo sa pagkikita nila ni apl. dahil alam niyang magkaibigan sila. "Apl.de.ap as PJ (Piolo) knows, we'rsquo;re friends. Sinabi naman ni PJ sa VTR as far as he is concerned he knows that we met up. People know because tinweet ko naman." Sabi ni KC na very proud siya sa singer dahil nagbigay siya ng karangalan sa Pilipinas.

"Because apl. was really really kind. Pinoy siya, we are proud to have a lot of Pinoy representatives in Hollywood, in the international scene. That was one thing I was really proud of and I was expressing that to him nung nagkita kami na, 'lsquo;grabe ang proud ko talaga sa 'lsquo;yo'rsquo;. Pati naman si Charice 'lsquo;pag nakikita ko," ani KC.