• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes confirms boyfriend Rayver Cruz gave her a ring

Cristine Reyes confirms boyfriend Rayver Cruz gave her a ring

Cristine Reyes is intent on starting life anew this 2011 and leave all the negative issues behind.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/9/2011 9:48 PM
Cristine Reyes confirms boyfriend Rayver Cruz gave her a ring


Limang buwan nang mag-on sina Rayver Cruz at Cristine Reyes at ibinahagi ni Cristine sa report ng The Buzz na nag-Pasko si Rayver kasama siya at ang pamilya ng aktres. Idinagdag pa ng sexy actress na very close ang aktor sa kanyang pamilya.

Ipinakita rin ni Cristine ang ibinigay na singsing sa kanya ng boyfriend. Kuwento ni Cristine ay never siyang nagsuot ng singsing in her life at ngayon lang siya nagsuot nito. Sinabi pa ng aktres na destiny ito dahil ngayon lang daw may singsing na nagkasya sa kanya at kahit pa raw naliligo ay hindi niya ito tinatanggal. Itinanggi naman niyang magpapakasal na siya dahil hindi naman daw ito engagement ring. "Tawagin na nating promise ring. Nage-enjoy lang ako ngayon. Ayokong madaliin. Bata pa kami pareho," ani Cristine. 'nbsp;

Itinanggi rin ng aktres na siya ay lilipat na ng istasyon dahil sa nangyaring awayan nila ni Sarah Geronimo. "Matagal pa po ako sa ABS-CBN, tsaka gusto ko dito, at home ako. Lahat ng projects na ibinibigay nila sa akin, sobrang thankful ako. Kasi dito ako nag-grow," paniniyak niya. At isa pa niyang tiniyak ay ang pagpapatuloy ng kanyang Twitter account. Matatandaang madalas masangkot sa mga isyu ang aktres dahil sa kanyang mga ipino-post sa Twitter.

Itinanggi rin niyang inaway niya si Sharon Cuneta sa kanyang Twitter account. Malapit na magkaibigan kasi sina Sharon at Sarah at sinabing dahil kinampihan ni Mega si Sarah ay hindi ito nagustuhan ni Cristine at tinira si Shawie sa kanyang Twitter. "Hindi 'lsquo;yon totoo. Iniwan ko na 'lsquo;yun sa 2010. Hindi maiaalis 'lsquo;yung sama ng loob kung nasaktan ka talaga. Ako nasaktan talaga ako no'rsquo;n. Pero 'lsquo;yun na 'lsquo;yung New Year'rsquo;s resolution ko ngayon na lahat ng kasamaan ng loob mo sa tao tanggalin ko na para mas masaya ang buhay. Maikli lang ang buhay natin, hindi natin masasabi. At least na-enjoy mo 'lsquo;yung life mo." As of press time ay hindi pa rin daw personal na nakakapag-usap sina Cristine at Sarah. Pero desidido si Cristine na magsimula muli at maging thankful dahil sa kanyang boyfriend na mahal na mahal siya.

"Ngayong New Year, new life, new beginnings, simula ulit. Ako happy na ako. Salamat sa mga taong ang importante naman talaga nagmamahalan kami [ni Rayver]. Wala na tayong pakialam kung anong meron sa iba, kung ano mang galit meron sila sa amin. Oo nga naman."

Halata namang makulay ang ang buhay ngayon ni Cristine dahil kay Rayver. Lubus-lubos ang pagpapasalamat ng dalaga sa aktor na aniya'rsquo;y nagbigay sa kanya ng rason para magkaroon ng kulay ang buhay at magkaroon ng direksyon.