Direk GB Sampedro and Candy Pangilinan, couple no more

A source says that it was Direk GB Sampedro who supposedly requested to call it quits with fiancTe Candy Pangilinan.

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

1/4/2011 11:13 AM
Direk GB Sampedro and Candy Pangilinan, couple no more


Isang reliable source ang nagsabi sa push.com.ph na hiwalay na umano ang engaged couple na sina Candy Pangilinan at TV director GB Sampedro. Ayon sa aming source, kay Direk GB umano nanggaling ang hiling na maghiwalay sila ng komedyanteng fianc'eacute;e. Hindi naman sinabi ng source kung ano ang nag-udyok sa dalawa na magdesisyong maghiwalay na.
'nbsp;
Si Direk GB at Candy ay nagkakilala noon sa morning talk show na Boy 'amp; Kris. Direktor ng nasabing TV show si Direk GB at naging guest sa isang episode si Candy. Habang naghihintay ng take ay nagkaroon umano ng pagkakataon ang dalawa na magkausap. At doon ay nabuo ang kanilang pagkakaibigan pero hindi pa nagpalitan ng phone numbers.
'nbsp;
Lumipas ang ilang linggo at nagkita umano uli ang dalawa sa nasabing talk show at dito ay hiningi na ni Direk GB ang cell phone number ng komedyante. Simula noon ay nagkaroon na ng constant communication ang dalawa.
'nbsp;
Nag-propose di Direk GB kay Candy noong Nobyembre 2009 at noon ay anim na buwan na silang magkasintahan. Pero hinihintay pa ng dalawa na ma-approve ang kanilang annulment sa kani-kanilang mga previous partners. Si Direk GB ay kasal kay Maristel Sampedro, isang talent manager at may tatlong anak. Si Candy naman ay ikinasal kay Gilbert Alvarado at may isang anak.
'nbsp;
Civilly ay pinawalang-bisa na ang kani-kanilang mga kasal noong 2008 at ang hinihintay na lamang dapat nila ay ang annulment ng simbahan.