Young hunk actor, feeling ultimate leading man ang status!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

1/31/2011 4:48 PM
Young hunk actor, feeling ultimate leading man ang status!


Sa showbiz talaga, major kalaban ng mga taong nakapalibot sa isang artista 'ndash; at ng artista na mismo, ang paglaki ng ulo. Ito yata ang na-encounter ng isang sikat na young hunk actor nang minsang kuhanin siya as guest sa isang malaking TV show.

'nbsp;

Confirmed na si young hunk actor para sa nasabing project, in fact, dumating na siya sa set at ready nang mag-take. Pero nang tawagin na siya for his turn, at sabihing kailangang topless siya para sa eksenang kukunin'hellip; aba, nag-inarte ang young hunk actor! Ayaw niyang mag-topless! Eh nung time pa naman na yun, present ang lahat ng major stars ng nasabing TV show. So lahat waiting in vain, just to find out na ang cause of delay ay ang young hunk actor na ayaw sumalang sa eksena nang topless. Ending, pinack up siya ng director, kasabay ng galit ng mga bigating stars sa set.

'nbsp;

Ang nakapagtataka lang dito, madalas namang lumabas na topless ang young hunk actor. As in kaya nga siya sumikat dahil bukod sa gwapong mukha at husay sa pag-arte, hunk na hunk as in yummy siya. Kaya bakit all of a sudden, para sa isang major guesting at major scene, umarte siya? Eh hindi naman siya bloated nung time na yun. Sadyang ang-attitude lang ba siya nun? Well sana hindi na maulit. Dahil kung magkakaganun, eh wag na young HUNK actor ang itawag natin sa kanya no!