• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga reveals she had a heart-to-heart talk with Mariel Rodriguez

Toni Gonzaga reveals she had a heart-to-heart talk with Mariel Rodriguez

Toni Gonzaga relates that meeting Mariel Rodriguez for the first time after their rift was the most awkward moment in her life.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/30/2011 9:03 PM
Toni Gonzaga reveals she had a heart-to-heart talk with Mariel Rodriguez


Sa The Buzz kahapon ay ikinuwento ng host na si Toni Gonzaga na nagkaroon na sila ng pagkakataon ni Mariel Rodriguez na magkita noong Sabado, January 29 at nakapag-usap ng apat na oras. Ito rin ang una nilang pagkikita matapos mangyari ang away nila noong nakaraang taon. Inaasahan ding magsasama ang dalawa sa upcoming noon-time show sa Kapamilya network na kinabibilangan din nina John Estrada at Randy Santiago.

Sabi nga ni Toni, ang pagpayag ni Mariel na makatrabaho siya ay may magandang mensahe. "We'rsquo;re starting off a clean slate," ani Toni. Sinabi rin niya na bago ang interview niya sa The Buzz ay nag-text siya kay Mariel para sabihin na kung anuman ang sasabihin niya ay manggagaling sa puso niya.'nbsp; 'nbsp;
Sa unang pagkikita nila, paglalarawan ni Toni, "'rsquo;Yun na yata ang pinaka-awkward moment sa buhay ko kasi habang papalapit ako sa private room pine-prepare ko na 'lsquo;yung sarili ko kasi hindi ko alam kung ano'rsquo;ng mangyayari."'nbsp;

Very casual daw nang magkaharap sila at nagyakapan. Feeling nga raw ni Toni ay parang bago silang magkakilala dahil hindi raw nila alam kung paano sisimulan ang pag-uusap. Pero later on ay nag-open up sila sa isa'rsquo;t isa at nagkaiyakan.'nbsp; "Sabi ko sa kanya (Mariel) siguro 'lsquo;yung pinakapangit lang may ibang tao na na-involve like 'lsquo;yung media, maraming nasabi against the both of us," ani Toni na sinang-ayunan naman ni Mariel. "We ended on a good conversation and everything was cleared. I said everything in my heart and (siya) everything na nasa puso niya."

Malaking biyaya raw na mapili silang host ng upcoming noontime show kung kaya'rsquo;t nararapat nila itong pagbutihan at hindi nila iyon magagawa kung meron silang gap. "Sabi ko nga we'rsquo;re given this big blessing and I think it'rsquo;s a big responsibility for us na pagbutihin ang trabaho natin and to set aside our personal emotions, to start a new, clean slate lang. Maayos lang. I'rsquo;ve worked with her for six years now."

Kuwento pa ni Toni, sinabi sa kanya ni Mariel na siya ang kauna-unahan niyang naging kaibigan sa showbiz na nagsimula nang nasa kabilang istasyon pa sila. Ani Toni, masaya siya para sa kanila ni Mariel dahil binigyan sila ng chance na magsimula ulit.