• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez opens up on issues regarding Shaina Magdayao and Kris Aquino

Ruffa Gutierrez opens up on issues regarding Shaina Magdayao and Kris Aquino

The actress-host said she wants a peaceful 2011 and doesn't want to get involved in controversial issues.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/30/2011 9:12 PM
Ruffa Gutierrez opens up on issues regarding Shaina Magdayao and Kris Aquino


Nahaharap na naman si Ruffa Gutierrez ngayon sa kontrobersiya dahil nitong nakaraang linggo ay tinawagan daw ito diumano ni Shaina Magdayao para kausapin tungkol kay John Lloyd Cruz. May magkaibang bersyon ang kuwento sa tinutukoy na pagtawag daw ni Shaina at around 2 a.m. kay Ruffa. Ang una ay hindi na raw nasagot ni Ruffa ang telepono dahil katabi nitong natutulog ang dalawang anak na sina Lorin at Venice. Ang pangalawa naman ay nasagot daw ni Ruffa ang phone pero hindi na masyadong nakapag-usap dahil tulog na nga raw ang kanyang dalawang anak. Pinayuhan na lamang daw ni Ruffa si Shaina na kung mayroon silang problema ni John Lloyd ay ang aktor na lamang ang kausapin nito.

Agad namang kinumpirma ng Star Magic na totoo raw na nagkaroon ng isang pribadong pag-uusap sina Ruffa and Shaina. Nagsalita na rin si Ruffa tungkol sa isyu. "Yes, that'rsquo;s true pero nag-usap na kami ni Tita Mariole about that and since nagsalita na rin ang Star Magic sa issue, so para sa akin I would like to take the high road and not talk about it and isipin na lang ng tao kung ano ang gusto nilang sabihin, basta ang importante sa akin, I'rsquo;m happy and walang problema sa akin," seryosong pahayag ni Ruffa.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Ruffa na lagi siyang nasasangkot sa relasyon nina John Lloyd at Shaina? "Paulit-ulit na lang! Siguro this 2011, I wanna continue being happy, continue being positive about my life and just smile. Kumbaga, ako naman ang tinawagan and tanungin n'rsquo;yo na lang sila. Basta ako kung ano yung napag-usapan namin private na lang iyon. Hopefully it remains that way and sana yung ibang tao kung ano ang sinabi ng management nila, huwag na nilang dagdagan pa kasi nag-usap na kami that we are gonna keep quiet about the issue," dagdag pa ng aktres.

Samantala, noong January 22 ay muling nagkita sina Ruffa at Kris Aquino sa isang event. Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa noong nakaraang taon dahil nangyari sa kanila sa The Buzz. Ano kaya ang nangyari sa muling paghaharap nina Kris at Ruffa? "Nagkita kami last week sa birthday party ng friend ko. She hosted a dinner sa Opus sa Resorts World and then tamang-tama sinabi sa akin ng friend ko na nandiyan daw si Aiai (Delas Alas), nandun lang sa likod ko. Talagang talon at tili kami ni Ai-Ai, chika-chika. So sobrang good mood ako paglingon kong ganyan, ay! Nandiyan nga si Kris so sabi ko 'lsquo;Hi Kris!'rsquo; Then sabi naman niya 'lsquo;Hi!'rsquo; So yun, alam kong sincere siya kasi you know naman how frank Kris is 'lsquo;di ba. Kung ayaw niya ako i-hi, Pwede naman siyang umescape. Pero she really said hi to me, and then sabi ko, 'lsquo;O bati na tayo ha, 'lsquo;di ka na galit sa akin?'rsquo; Sabi n'rsquo;ya, 'lsquo;Noooo!'rsquo; O ibig sabihin, 'lsquo;di na siya galit sa akin kaya okay na kami," kuwento ni Ruffa.

Masaya si Ruffa ngayon dahil naayos na ang gulo sa kanila ni Kris at okay lang daw sa kanya na muli silang magkatrabaho sa mga darating na araw.