• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual confirms that he and KC Concepcion are a couple since last year

Piolo Pascual confirms that he and KC Concepcion are a couple since last year

The actor shares that it took a long time to confirm his relationship with KC Concepcion because he wanted to separate his personal life from his career.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/30/2011 8:53 PM
Piolo Pascual confirms that he and KC Concepcion are a couple since last year


Sa wakas ay inamin na ni Piolo Pascual sa interview niya sa The Buzz kahapon ang kanilang relasyon ni KC Concepcion. October 21, 2010 noong sagutin daw ni KC si Piolo after ng dalawang taong panliligaw ng binata.

Ipinaliwanag din ng aktor kung bakit natagalan bago niya kumpirmahin ang matagal na nilang relasyon ng anak ni Megastar. "Ilang years or ilang interviews na rin na sabi nga nila lagi mong dina-divert, hindi mo dinidiretso and I though I could find a way out because I always want to separate my personal life with my professional life," simula ni Piolo. "But I guess I'rsquo;ve come to a point na gusto kong magpakatotoo regardless of what people might say, regardless of people'rsquo;s judgment or opinion. I guess because the person deserves it, I just don'rsquo;t owe it to myself, I owe it to the public and I owe it to the person."

Dagdag pa ng aktor ikinonsidera rin kasi niya kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang anak na si I'ntilde;igo. "The reason why I never admitted naman or never elaborated is because may pinoprotektahan ako. You know how it is, I have a son na hindi mo makasama, ayaw mong mapariwara 'lsquo;yung bata, ayaw mong magkaroon ng ibang reaksyon kasi bata 'lsquo;yon, he'rsquo;s only 13 years old. But I think I have decided kung ano man ang magiging reaksyon ng anak ko from here, you just have to deal with it. Para na rin matigil 'lsquo;yung mga nagpaparinig kay Kristina," pagbibirong banat ni Piolo. "They just have to know that we'rsquo;ve been together since last year." 'nbsp;

Two years after ng kanilang pagdi-date, sinagot siya ni KC at ayon kay Piolo, "That'rsquo;s one of the best things in my life." 'nbsp;
Nang tanungin naman ng The Buzz host na si Charlene Gonzales si Piolo kung si KC ba ang gusto niyang makasama habang buhay, sagot niya, "Siguro hindi ako aamin ng ganito at hindi ako magri-risk kung hindi ko gusto siyang makasama habang-buhay."

Nakapagdesisyon daw si Piolo na panahon na para aminin ang kanilang relasyon dahil bilang lalaki ay siya dapat ang nagsasalita at para rin matigil na ang mga haka-haka ng ibang tao. Ayon pa sa aktor, napakabait daw ng pamilya at mga kamag-anak ni KC sa kanya at malaki ang kanyang pasasalamat sa aktres dahil napaka-patient nito sa kanya at nararamdaman daw niya sa girlfriend ang sobrang pagmamahal.